Since wala naman akong maiblog,. blog ko na lang about FPJ,. ! Libing nya ngayon di ba? Sa totoo lang di ako fans ni FPJ, pero nalulungkot ako,. siguro kasi na fe feel yung paghanga ng ibang tao para sa kanya at yung dami ng nagmamahal sa kanya,! ganyan din kaya pag namatay si dolphy?na isa ding maituturing haligi ng industriya ng showbiz?! malamang,. sa anak nya pa lang puno na! hehe! (joke joke joke)
kinunan ko nga kagabi ng video sa TV kaso konti lang, paki play na lang yung button!
~Paalam FPJ~
Ilang araw na lang pasko na, walang ka feelings feelings ang pasko dito,parang, wala lang,. parang oh okay,pasko na! haha! di exciting, iba pa rin talaga sa atin,. kaso lang, pag umuwi ka ng pasko, ubos talaga pati pocket money mo,.naranasan ko na yan noong 1997 umuwi ako ng pasko,. nyekk! kung hinde pa ako humingi ng pera sa tatay ko, dahil na drain ako!! pero saya naman,! january na nga me namamasko pa! pero wala na talagang sasaya sa pasko sa atin!
miss ko na ding magpasko sa atin eh, wish ko lang,!
nakapamili na ako ng papasko , pero bukas ko na lang babalutin,! eto ngang mga bata di pa namin na ibibili ng papasko, ang alam nila si santa claus ang magbibigay, tinanong ko si liena kung ano gusto nyang ibigay ni santa para sa kanya sa pasko, ang gusto nya daw eh computer,(paano,. nakikipag agawan sa akin) pero yung bang mga pambatang computer lang , yung mga leap frog or Vtech siguro,! atleast dati mga laruan ang type nya ngayon okay naman, since educational yun! si bunso ko naman ang gusto , kotse ,. mahilig kasi ito sa mga hotwheels, pero okay naman kasi mura lang yun hehe! ($1.99) isa nun,! pinapaniwala pa rin namin sila na me Santa Claus, katulad namin nung maliliit pa kami,! syempre dadating din yung time na malalaman nila na wala naman totoong santa claus,
Ewan ko kung ano ang ireregalo ko na naman sa asawa ko, hirap ding mag isip ng ireregalo minsan eh,! ako kaya ano kaya regalo nya sa akin?! hehe!
Sige na nga , mga kakosa! akoy Yayao na! (lalim nyan ha! ) ang dami ko pang gagawin!! Slamat sa mga dumaan! at Maligayang Pasko sa inyong lahat!!
Popularity: 1% [?]
Viewed 327 times 109 viewers

