12/21/04 9:59 PM | Posted in worth blogging | by: rsm| »c0mment?

Since wala naman akong maiblog,. blog ko na lang about FPJ,. ! Libing nya ngayon di ba? Sa totoo lang di ako fans ni FPJ, pero nalulungkot ako,. siguro kasi na fe feel yung paghanga ng ibang tao para sa kanya at yung dami ng nagmamahal sa kanya,! ganyan din kaya pag namatay si dolphy?na isa ding maituturing haligi ng industriya ng showbiz?! malamang,. sa anak nya pa lang puno na! hehe! (joke joke joke)

kinunan ko nga kagabi ng video sa TV kaso konti lang, paki play na lang yung button!

~Paalam FPJ~

Ilang araw na lang pasko na, walang ka feelings feelings ang pasko dito,parang, wala lang,. parang oh okay,pasko na! haha! di exciting, iba pa rin talaga sa atin,. kaso lang, pag umuwi ka ng pasko, ubos talaga pati pocket money mo,.naranasan ko na yan noong 1997 umuwi ako ng pasko,. nyekk! kung hinde pa ako humingi ng pera sa tatay ko, dahil na drain ako!! pero saya naman,! january na nga me namamasko pa! pero wala na talagang sasaya sa pasko sa atin!

miss ko na ding magpasko sa atin eh, wish ko lang,!

nakapamili na ako ng papasko , pero bukas ko na lang babalutin,! eto ngang mga bata di pa namin na ibibili ng papasko, ang alam nila si santa claus ang magbibigay, tinanong ko si liena kung ano gusto nyang ibigay ni santa para sa kanya sa pasko, ang gusto nya daw eh computer,(paano,. nakikipag agawan sa akin) pero yung bang mga pambatang computer lang , yung mga leap frog or Vtech siguro,! atleast dati mga laruan ang type nya ngayon okay naman, since educational yun! si bunso ko naman ang gusto , kotse ,. mahilig kasi ito sa mga hotwheels, pero okay naman kasi mura lang yun hehe! ($1.99) isa nun,! pinapaniwala pa rin namin sila na me Santa Claus, katulad namin nung maliliit pa kami,! syempre dadating din yung time na malalaman nila na wala naman totoong santa claus,

Ewan ko kung ano ang ireregalo ko na naman sa asawa ko, hirap ding mag isip ng ireregalo minsan eh,! ako kaya ano kaya regalo nya sa akin?! hehe!

Sige na nga , mga kakosa! akoy Yayao na! (lalim nyan ha! ) ang dami ko pang gagawin!! Slamat sa mga dumaan! at Maligayang Pasko sa inyong lahat!!

Popularity: 1% [?]

Viewed 269 times 96 viewers


12/18/04 9:58 PM | Posted in worth blogging | by: rsm| »c0mment?

Bakit me mga taong di pa makontento sa kaya mong ibigay? hahanapan ka at sasairin ang natitirang barya para sa sarili mo? hinde naman ako madamot pero sana minsan maintindihan din ng iba na wala akong trabaho para asahan lagi! (kamag-anak ko sa pinas)! hiyang hiya na ako sa asawa ko eh! ni sarili ko di mabilhan ng gusto ko dahil inilalaan ko na lang buwan buwan doon, para lang me maiabot s akanila kahit konti,.

nitong buwang ito, nagpadala ako ng pera, tapos me kahon pa,! tapos kanina, kagigising ko lang,. nag text sila sa akin,.padala ka bago mag pasko, papasko mo sa amin,. tanong ko sa sarili ko,. ano pa ba ang tawga sa kahong pinadala ko? halos wala ng natira sa akin mapuno ko lang yung kahon na yun ng damit, sapatos , de lata at kung ano ano pa, di pa kasama ang bayad para sa pagpapadala na halagang $55 para dun,! tapos ano pa daw ipapapasko ko?! maawa naman sana sila sa akin, aba eh wala naman akong trabaho, laking hiya ko na nga sa asawa ko eh!

nag text ako, Susubukan ko,. pero sa isip ko, paano?hihingi na naman ako sa asawa ko? nakahingi na ako eh! nalulunod na nga ako sa kahihiyan sa tuwing hihingi ako ng pera para sa kanila!

pasensya na kayo,. sama lang talaga ng loob ko,. kung pwede ko lagn sanang ikwento sa inyo lahat lahat! hayy!!

BTW,. bago itsura ng layout pero ganon pa rin ang kulay,tinamad akong palitan ang stylesheet hehe!
kaya ayan, pareho parin ng kulay ng dati ,.

o hulaan nyo kung sino yan~ hek hek~

opo ako yan~ ang dilim naman! palpak kuha ng asawa ko ,
sige merry xmas sa inyong lahat!! at inyo pong pagdamutan ang muni kon regalo para sa inyong lahat!
*click lang po ang image, para makuha

Popularity: 1% [?]

Viewed 166 times 55 viewers


12/18/04 9:57 PM | Posted in worth blogging | by: rsm| »c0mment?

Off ngayon ng asawa ko,. kaya gala gala lang sa mall since yun lang naman ang pwede naming puntahan,. ! tamad kaming pumunta sa mga Beach, etc,.

tinesting ko yung video/cam phone okay naman quality ano? kaya lang konti lang pwedeng isave,. kasi 64 mb lang,! nagtanong ako ng 128 mb,. $69.00 dito eh! (ang mahal),. mas mura siguro sa net!

anyway, here are soem of the pictures,!

eto naman si kirstan, ang makulit at sobrang likot kong bunso!

eto naman ang asawa ko at ang aking father inlaw (bonding sila hehe )

nag punta nga kami sa beach , para magkuhanan ng pictures,kaso mo kulimlim, medyo mukhang uulan, tapos nung paalis na kami ayaw ni kirstan umalis,! naiyak,. gusto pang mag landi ng buhangin,. kaya binigyan ko na lang ng coral ,. kaya tumahimik!

eto yung videong kuha ko habang nasa kotse, saglit lang yan eh,, wala lang , post ko lang hehe! pangit ng quality,kinompress ko kasi, ang laki ng files eh,. from 6mb, naging 117kb na lang!
kaya ayan,pangit ng quality , paki click na lang yung play button,.

hmm. wala akong maishare na kwento sa inyo! :( boring kasi dito eh! anyway, happy weekend!

Popularity: 1% [?]

Viewed 170 times 55 viewers




VistaPrint


  • »Site Statistics
    »Whose online
  • 34,715 spam caught by Akismet.
  • 1,837 spams in moderation.
  • 976 articles, 2,215 comments, and 20 categories.
  • Unique hits. Today: 72, Yesterday: 203.


  • Powered by :Wordpress Flatform
  • Theme by :rose moya of revolutionmotion.com
  • Entries (RSS)
  • Comments (RSS)
  • Powered by Wordpress
  • 44 queries. 1.594 seconds.