03/1/05 10:23 PM | Posted in worth blogging | by: rsm| »

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil
ng payo na nakuha ko sa aking mga magulang. Kaya heto, aking ise-share
sa inyo:

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE. “Kung
kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo,
kalilinis ko lang ng bahay.”

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
“Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng
sine.”

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM. “Tingnan
mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!”

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos yang lahat ng pagkain
mo!”

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
“Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang
dinaanan ng bagyo!”

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
“Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang
alisin sa mundong ito.”

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION. “Tumigil ka
nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
“Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng
ENVY. “Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat
at mayroon kayong magulang na tulad namin?”

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng
RECEIVING. “Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR. “Kapag naputol
yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo
sa akin at lulumpuhin kita!”

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung
ano ang JUSTICE. “Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging
katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!”

Further research into the beginning of SARS has led to
interesting discoveries that it was actually
discovered in the Philippines long time ago. It was
then known by a simpler name, SAR or A-SAR. Just like
SARS today, it spread very rapidly through
face-to-face personal contacts.

ASAR - a carrier person who may infect others.
ASAR TALAGA - a person who is very contagious; very
dangerous to approach; needs attention by healthy
persons only
NANG-A-A-SAR - a person who is maliciously spreading
the disease.
NAASAR - a person who is infected with the disease.
NAGKA-ASARAN - the process of transmitting the disease
to others.
PANG-ASAR - Any medium of spreading the disease.
NAASAR TALAGA - A person in very serious condition;
needs quarantine; could be fatal.
ASARAN NA - when a group or community is already
infected.
NAPIKON - a victim of ASAR who is beyond recovery;
should not be touched by anybody, not even friends or relatives.

Popularity: 1% [?]

Viewed 573 times 237 viewers


:mrgreen: :neutral: :twisted: :shock: :smile: :???: :cool: :evil: :grin: :oops: :razz:
:roll: :wink: :cry: :eek: :lol: :mad: :sad: :arrow: :idea: :!: :question:

XHTML: Line-breaks are automatic. Available tags are <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>



VistaPrint


  • »Site Statistics
    »Whose online
  • 34,421 spam caught by Akismet.
  • 1,545 spams in moderation.
  • 976 articles, 2,215 comments, and 20 categories.
  • Unique hits. Today: 39, Yesterday: 203.


  • Powered by :Wordpress Flatform
  • Theme by :rose moya of revolutionmotion.com
  • Entries (RSS)
  • Comments (RSS)
  • Powered by Wordpress
  • 36 queries. 1.372 seconds.