08/23/06 5:16 PM | Posted in worth blogging | by: rsmoya| »

Naiirita ka ba sa tugtog? ayun sa itaas ang contoller.. yung me waiting in vain. Kita mo ba?! Goodah!

Bago tayo mag chikahan, naunahan na kayo ni malou! wahehe!
Salamat malou! sa tawag mo,.. napasaya mo ako :P
Salamat din sa inyong lahat sa inyong mga makabagbag damdaming kumento, nakaka taba ng pu…so!! ahe
Alala nyo,. kanda ingat na ako na wag matapunan ng mga likidong me kulay (AKA soda, cherry flavored juice at kung ano ano pang me kulay na liquid) ang inuupahan naming apartment na me carpet, (dahil baka sa bandang huli, pagbayarin pa kami dito dahil sa maduming carpet na ito!) eh wag naman sana! dahil di naman talaga maiiwasan na hinde matapunan , hinde ba?!

Pagkahatid ko ke Liena sa school kahapon, dumiretso na kami ng aking body guard na si Kirstan sa wallmart,nakakita sya nito:

Mahilig kasi sya sa Strawberry at minsan lang magpabili, kaya ok lang binili ko.. eh di naman ako mahilig dyan. pwede pa coffee hehe! kaya ipapubos ko sa kanya lahat yan haha!
syempre,pagdating ng bahay, hiningi kaagad ang kanyang pinabili, prenteng prenteng naupo at sabay panood ng TV,with matching Chips pa,. sarap ng buhay ng anak ko ano?!

habang ako eh abala sa pag aayos ng pinamili ko,..

mga ilang minuto din syang tahimik,. aba! nagtaka naman ako, dahil malimit sa hinde, mas magulo sya at balik ng balik sa akin, nangugulo, ganyan.

Kaya inalam ko kung ano ang pinagkakaabalahan,.

Pagdating ko sa sala,wala si kirstan, Nakataob ang bote ng starbucks, natapon ang laman, na tinakpan nya ng basahan, tapos sa tabi ay meron pang mga tissue na ginamit sa pampunas na halos durog duro na , parang pinipilit itago sa akin…

Malas nga lang at di sya nagtagumpay, dahil kitang kita ang kasalanang ginawa nya,…

hinanap ko sya dahil wala sya sa salas,malamang nagtago,. malamang natakot, dahil alam nyang mapapagalitan ko,.dahil kabilin bilinan ko na wag itatapon kahit na anoong klaseng inumin, maliban na lang sa tubig (wala namang kulay yon!)

hinde ko sya makita. tsineck ko ang pinto kung bukas baka lumabas,, pero hinde…

Alam nyo ba kung saan ko sya nakita… Sa tagiliran ng kama, TULOG NA! nakasiksik doon,na halos sya lang ang kasya (wag kayong mag alala, nakakahinga naman sya doon,wahehe! ) at me dala pang tissue ha! (ebidensya)

Siguro nakatulog sa pagtatago Pagkagising, naiyak,. sabi ko, bakit sya naiyak,. (sabay tingin sa lugar kung saan natapon yung starbucks)
kunwari di ko alam ang ginawa nya…inintay kong magkwento,
inamin naman sa akin.. di ko naman pinagalitan.. kaso nga lang, kanda kudkod na ako ng diyaskeng carpet, di pa rin maalis ang mansta! pasalamat na lang ako sa 409 kahit paano nakatulog yon.

Tignan nyo, ke gandang Vase, sa halagang $5.99! ka mura hinde ba?!

(lam nyo naman ako, bargain hunter!)

Ano kaya ang kahulugan ng mga letrang nandyan.. Alibata ba yan? letra ba ng saudi arabia yan. di naman mukhang chinese character, o japanese, ah, kahit na ano pa yan.. Ganda ano?!

O sya sya,. Early dismissal ngayon ang school ni Liena. kaya susunduin ko sya ng maaga ngayon…

Magandang Araw!!

Popularity: 1% [?]

Viewed 370 times 127 viewers


  1. Gravatar    ethel Says:

    Hhehehe sa sobrang takot sayo sis nakatulog tuloy si Kirstan :) wawa naman pero ang kyut ata tignan sa batang tipong ganun nga natatakot at aaminin din yong kanilang kasalanan :) buti nalang at may panglinis ka pero may mantsa pa rin :) kyut nga ng base parang thailand yong mga letra na parang Indian din :) btw, kyut ng header mo hehhe as in super kyut very sunny(sunflower) :) Take care..
    God Bless…

  2. Gravatar    rina Says:

    haha natakot… natulog na lang. ganun din ako dati eh. pag nakakabasag, natutulog ako. hahaha. o kaya dati nag tago ako sa comforter hanggang makadating parents ko! hahaha! at least inamin. ang cute naman nun hahaha. :lol:
    di naman nakakainis un sounds eh. :) cute nga eh :lol:
    ang ganda ng vase!! ang mura lang ganda na!!! :mrgreen: ahihi dumaan lang po :D

  3. Gravatar    Anneke Says:

    Mama Rose!!!!!! Ahahaha. Mga bata talaga, ano! Eto ring sofa namin eh puno ng drawing at mga bakas ng tsokolate at kung anu-ano pang candy.

    Cute yung vase mo ah! Saan mo nakita yan? Mahilig ako sa mga ganyang kakaiba na gamit.

    O sha, mage-exercise muna ako. Hihi. Ingat!

  4. Gravatar    Rachel Says:

    hi ate rose, una po sa lahat gusto ko pong magpasalamat sa mga advices nio, eto po may dala na akong maraming bond paper at ttry ko dito isulat ang lahat ng saloobin ko.

    hmm alam mo nakikita ko kay kirstan ung sarili ko tuwing may nagagawa akong kasalanan. madalas pag ganyan nkuh sa takot ko talaga mapagalitan, dinadaan ko sa tulog as in. buti naman at sinabi nia din ang totoo tsaka mahirap talaga yung ganyan maiwasan lalo pat bata pa sila. pero nakakatuwang isipin na ginawa naman nia ang lahat para wag magkamantsa kaso di effective ang tissue at punas punas.

  5. Gravatar    trench Says:

    starbucks! ME WANT SOME! Never tried strawberry coffee though…:razz:

  6. Gravatar    kitty Says:

    wahahah! kahit d2 rin eh, hmphh ganun talaga eh carpet, yung kulay pa mandin parang yung fur ng polar bear. hayy, ganyan talaga. ira rug doctor na lang nmin pag lumipat kami. pero hanggang maaga at malilinis kaagad walang problema naman. wag lang patagalin. the joy being a mom ano! ha haa poor thing nakatulog, kawawa naman… :roll:
    ay oo ang cute nung player sa taas ha haa! and aww that’s a nice vase you got there! pretty nya!:grin:

  7. Gravatar    ciara Says:

    Ate rose!Sorry now lang nakacomment.Suuperr busy talaga eh!Anyway,wow!Starbucks strawberry.I used to like strawberry and all sort,pero nagyon hindi na masyado.Buti naman eh natakot siya sayo.Wakoko:lol:.Hehe.Baet mo naman!:smile:

  8. Gravatar    Grace Says:

    wow.. ang ganda ng new theme mo ate rose, pano mo ba to nagagawa? ang galing mo talaga, nakakainis.. haha :mrgreen:
    ayun, nako naman.. mahirap pala ang carpeted (?) na house no? hindi naman kasi yun maiiwasan na matapunan, perwisyo talaga yang carpet na yan..

    sosyal nga ni kirstan eh, naka starbucks pa sya.. ewan ko ba bakit ang mahal ng starbucks dito, kaya kapag nagpupunta ako doon eh, kapag may extra money lang, o kaya kapag may natira sa baon ko, o nanghingi lang kay mama, masarap kasi yung kape dyan eh, minsan chocolate mint lang nioorder ko.. basta masarap.. hahaha :roll:
    ohh sya ate rose, ingats.. mwuahh

  9. Gravatar    xtel Says:

    oh my gosh!!! mahilig din ako sa strawberry! i hate you, natatakam tuloy ako sa pinost mong pic mwahahaha!

  10. Gravatar    nao Says:

    halo ganda, may stock din kami lagi sa ref nyan. Hilig ng superman ko eh. Tara starbucks tayo! Hey.. thanks sa email. Love you sis…. take care, MWAH! :wink:

  11. Gravatar    jenny Says:

    :mrgreen: WAAHH ganda ng layout! astig may music pa…paanu mo ba nagagawang ganito? jealous me…

    Starbucks is LOVE!!

    ingatz always! droppin by lang… :grin:

:mrgreen: :neutral: :twisted: :shock: :smile: :???: :cool: :evil: :grin: :oops: :razz:
:roll: :wink: :cry: :eek: :lol: :mad: :sad: :arrow: :idea: :!: :question:

XHTML: Line-breaks are automatic. Available tags are <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

  • »Site Statistics
    »Whose online
  • 41,462 spam caught by Akismet.
  • 1,458 spams in moderation.
  • 1,004 articles, 2,252 comments, and 20 categories.
  • Unique hits. Today: 69, Yesterday: 132.


  • Powered by :Wordpress Flatform
  • Theme by :rose moya of revolutionmotion.com
  • Entries (RSS)
  • Comments (RSS)
  • Powered by Wordpress
  • 36 queries. 1.048 seconds.