Salamat sa mga opinion nyo…
Kung alam nyo lang ang mga pinagdaanan ko sa buhay… mala teleserye! wag kayong mag alala! abangan nyo at ikukwento ko sa inyo sa mga susunod kong post … ewan ko kung di kayo maiyak haha! joke
Eh emote ek ek ako dun sa huling post ah.. maiba naman tayo!
kanina, pumunta kami ni kirstan sa walmart,(ang aking paboritong store,dahil sa sobrang mura dun hehe! )
diretso kami sa isle ng soda.. eh ako generic ang binibili ko bwahaha.. SAM’s COLA (sams choice, w/c is a private brand ata ng walmart)
sam cola= $.50 isang litro, coke/pepsi=$1.30 isang litro..
see, dagdagan mo na lang ng 20cents me tatlo ka na.. parehas lang naman ang lasa… san ka pa?!
di kumuha ako ng 4 na litro na sam’s cola , eh nakita ni kirstan yung isang sams cola na kulay eh iba,. DIET kasi .
Kirstan: mommy, why we never get that one..
ME: thats DIET,
Kirstan: why? if i drink it im gonna die…
kuha nyo?! DIE = DIE ‘T
natawa ako sa walmart eh hehe
eh kaya naman ako nagpunta sa walmart, dahil magluluto ako ng paborito ng asawa ko na padthai..
dala kong pera, $20 lang,
pagdating sa cashier, $33 pala,. alangan naman ibalik ko, kaya ayun, kanda pigil ka ng gumamit ng dyaskeng credit card,nagamit tuloy, grrr! ,. pang emergency ko lang kasi yun, ayokong masanay, mahirap na… asawa ko ang mahihirapan eh,. taga gasta lang ako!
kaso, wala namang bean sprout, naghanap pa ako!
tada.. yan ang padthai ko hek hek

Si mister, gusto mas maanghang pa

ang mga bata, pinagluto ko ng goto, ayaw nila nyang padthai, maanghang kasi ang gusto ni neil.
Kaliwete sila pareho ni kirstan, bakit kaya!??


Kumain nga pala kami dun sa osaka japanese restaurant na eat-all-you-can for $7.95 , ang daming choices tapos ang sarap pa hehe

Si kirstan, nagpabili ng batman comics,nagbabasa kunwari, di naman marunong magbasa hehe

binaboy ko ang phone ko :P, ay hinde pala. pinusa ko pala! haha!

Eto pala ako at si liena, mukhang timang hehe


Teka nga pala,. sino ba napasok sa inyo dito sa San Beda? Me pinsan ako dun na teacher, si Thess De Luna! ![]()
next time post ako ng matino! ![]()
commercial to eh hehe..
teka isa pang hirit!
rant yata to!
Nakakainis yung mga nag memessage sa friendster, yun bang nag fi flirt, lantaran na nga na me anak at asawa ka na eh, kita naman sa mga pictures, kung bakit nambobola pa,. nakakaasar yung mga ganon..!
Popularity: 1% [?]
Viewed 583 times 238 viewers


August 31st, 2006 at 6:14 am
hello ate rose, alam mo bang nagiging favorite ko na yata itong waiting in vain hahaha.. ala lang, ganda naman pala tong song na ito eh
ayun.. mukhang masarap ang padthai na gawa mo ah, ano ba lasa nyan? hmm, chicken? parang seafood ba? dito sa pinas marami ring eat-all-tou-can japanese restaurant din, bakit kaya mahilig silang mag eat-all-you-can no?
ala lang naisip ko lang kasi, ohh sya ate rose.. next post mo ulit ah.. haha
August 31st, 2006 at 9:35 am
wahahah! kahit naman ako eh madrama din buhay ko noh he hee. pero ang saya marinig yan ate rose!
pag ako nag grocery laging generic ang binibili ko, kasi mura eh, I loooove buying at walmart ang mura kasi ano? ha haa!
love you, ate rose!!
August 31st, 2006 at 1:43 pm
Ingat po kayo lagi
August 31st, 2006 at 7:57 pm
hehe halos lahat naman may sikretong nakaraan. haha..
grabe palaging pagkain ah. Walmart ata favorite talaga ng tao puntahan sa US. mura nga kasi..
hehe cute naman ni Kirstan..joke ba yun
and yung comics naman puro pictures kaya hindi marunong bumasa keri lang.
sarap ng fooooooood! lalo na yung SUSHI!! haha..

September 1st, 2006 at 6:30 am
mama rose! share mo naman recipe mo ng padthai! ano ba yan, parang pansit? hmmm nagutom tuloy ako, kaka-kain ko lang ha! hehehe! mukhang mamahalin yung ingredients ha, kinonver ko sa peso at inabot ng PHP1,7++.++, pero sulit naman siguro dahil mukhang masarap!
nakakatuwa pala yung plate nila liena, may kiddie plate din ako nung bata pa ako, with matching spoon and fork, san aling?…jollibee! bwahahaha! ngayon ata wala nang ganon…
September 4th, 2006 at 7:34 am
haha nakakatuwa talaga yang si kirstan mo ate. kahit kelan ang mga hirit kakaiba. cutie pa ang gwapo talaga nia maputi pa. o pareho silang kaliwete bakit? parang bihira lang yung kaliwete pareho. alam mo kasi maganda ka ate kala mo dalaga ka pa kaya ayun type na type ka nila. danda mo kasi para kang walang asawa at anak.