08/23/06 5:16 PM | Posted in worth blogging | by: rsmoya| » C11MMENTS

Naiirita ka ba sa tugtog? ayun sa itaas ang contoller.. yung me waiting in vain. Kita mo ba?! Goodah!

Bago tayo mag chikahan, naunahan na kayo ni malou! wahehe!
Salamat malou! sa tawag mo,.. napasaya mo ako :P
Salamat din sa inyong lahat sa inyong mga makabagbag damdaming kumento, nakaka taba ng pu…so!! ahe
Alala nyo,. kanda ingat na ako na wag matapunan ng mga likidong me kulay (AKA soda, cherry flavored juice at kung ano ano pang me kulay na liquid) ang inuupahan naming apartment na me carpet, (dahil baka sa bandang huli, pagbayarin pa kami dito dahil sa maduming carpet na ito!) eh wag naman sana! dahil di naman talaga maiiwasan na hinde matapunan , hinde ba?!

Pagkahatid ko ke Liena sa school kahapon, dumiretso na kami ng aking body guard na si Kirstan sa wallmart,nakakita sya nito:

Mahilig kasi sya sa Strawberry at minsan lang magpabili, kaya ok lang binili ko.. eh di naman ako mahilig dyan. pwede pa coffee hehe! kaya ipapubos ko sa kanya lahat yan haha!
syempre,pagdating ng bahay, hiningi kaagad ang kanyang pinabili, prenteng prenteng naupo at sabay panood ng TV,with matching Chips pa,. sarap ng buhay ng anak ko ano?!

habang ako eh abala sa pag aayos ng pinamili ko,..

mga ilang minuto din syang tahimik,. aba! nagtaka naman ako, dahil malimit sa hinde, mas magulo sya at balik ng balik sa akin, nangugulo, ganyan.

Kaya inalam ko kung ano ang pinagkakaabalahan,.

Pagdating ko sa sala,wala si kirstan, Nakataob ang bote ng starbucks, natapon ang laman, na tinakpan nya ng basahan, tapos sa tabi ay meron pang mga tissue na ginamit sa pampunas na halos durog duro na , parang pinipilit itago sa akin…

Malas nga lang at di sya nagtagumpay, dahil kitang kita ang kasalanang ginawa nya,…

hinanap ko sya dahil wala sya sa salas,malamang nagtago,. malamang natakot, dahil alam nyang mapapagalitan ko,.dahil kabilin bilinan ko na wag itatapon kahit na anoong klaseng inumin, maliban na lang sa tubig (wala namang kulay yon!)

hinde ko sya makita. tsineck ko ang pinto kung bukas baka lumabas,, pero hinde…

Alam nyo ba kung saan ko sya nakita… Sa tagiliran ng kama, TULOG NA! nakasiksik doon,na halos sya lang ang kasya (wag kayong mag alala, nakakahinga naman sya doon,wahehe! ) at me dala pang tissue ha! (ebidensya)

Siguro nakatulog sa pagtatago Pagkagising, naiyak,. sabi ko, bakit sya naiyak,. (sabay tingin sa lugar kung saan natapon yung starbucks)
kunwari di ko alam ang ginawa nya…inintay kong magkwento,
inamin naman sa akin.. di ko naman pinagalitan.. kaso nga lang, kanda kudkod na ako ng diyaskeng carpet, di pa rin maalis ang mansta! pasalamat na lang ako sa 409 kahit paano nakatulog yon.

Tignan nyo, ke gandang Vase, sa halagang $5.99! ka mura hinde ba?!

(lam nyo naman ako, bargain hunter!)

Ano kaya ang kahulugan ng mga letrang nandyan.. Alibata ba yan? letra ba ng saudi arabia yan. di naman mukhang chinese character, o japanese, ah, kahit na ano pa yan.. Ganda ano?!

O sya sya,. Early dismissal ngayon ang school ni Liena. kaya susunduin ko sya ng maaga ngayon…

Magandang Araw!!

Popularity: 1% [?]

Viewed 318 times 117 viewers


08/20/06 2:27 AM | Posted in worth blogging | by: rsmoya| » C25MMENTS

Bago ang lahat… salamat dito para sa ginamit kong image sa taas..
Instead na ma mahinga itong site ,. post ko na lang ito

nahihiya na ako sa inyong mga nadalaw dito, di ko man lang kayo magantihan ng pagdalaw din sa inyong site.. pasensya na po,..

Ems: link kita pati na din ikaw daicie..

malou:natanggap mo ba ang email ko?

noreen: yung text ko?natanggap mo ba?

Pasensya na po sa inyong lahat!

medyo mabaliw baliw ako ngayong mga panahong ito,.

naku! ang buhay nga naman, parang life..!

panoorin nyo to ha..

keys me! click mo!

at si claudine napa… * P….##$#%## hehe

click mo!

nga pala,. naggawa ako ng ringtone.. minix ko yung boses ko at saka yung kantang bebot ng BEP, yan nga ang ringtone ko nga yon eh haha!! :P [ACT]http://not2popular.com/f.swf,150,40,transparent[/ACT]

download mo dito kung gusto mo para sa cellphone mo, pero MP3 sya,. kung gusto mo sabihinmo sa kain para maconvert ko sa ibang file ext.

got tagged by trench

dont you feel special whenever somebody tag you? i am! :P

thanks trench!

Five items in my freezer:
Edy’s Dibs bite size ice cream, frozen vegetables,ice cubes,frozen meats,icecream,
Five items in the closet:
sweatshirts, 3/4 sleeve tops(i love 3/4), dresses that i dont wear, mostly black tops,. skirts
Five items in the car:
jacket, cd’s,coffee mug, junkmail hehe, halls menthol candy
Five items in my purse:
wallet, pen, a lipstick,phone, soem receipt
Five friends to tag up? ? ? ? (Aww, your special,. !!)

Malou, Nao, butchok, Noreen, Thess
Minsan, ,me pagka eng eng ako eh! Eh pilit ako ng pilit mag diyeta, eh sa tingin naman ng asawa ko sa akin eh SEXY ako,. di ba yon naman ang importante..ang sexy ka sa mata ng asawa mo… !ewan ko ba, nung araw, na depress na ako sa diyaskeng diet na yan… sakit na ata sa utak ito eh!

sa umaga, kape, sa tanghali, wala, sa gabi, tinapay,.! panaka nakang kanin,.. pag na miss ko,.
di ko gusto yang ganyang pagkain ha.. pero, na gi guilty baga ako, pagka kain ko,.nasasabi ko sa sarili ko, “syet! nakakain na naman ako! ” di kaya physcological na to? (tama ba spell? kung ,mali, wag ng itama! tamad ako eh!)

kaya mo bang itanong sa asawa mo(yung me asawa dyan) kung sino mas maganda,.. ikaw o ang Ex nya?!

matagal ko ng gustong itanong sa kanya yan.. pero lam mo naman ,. pigil ko pa ang damdamin ko, dahil ayokong baka ang marinig ko eh” ang isagot sa akin ng asawa ko “sya”~ eh di nag gyera patani kami!

nung una, sabi ko,. me itatanong ako,..pero binabawi ko,. ang sabi ko,.wag na lang… (pero syempre gusto ko pilitin nya ako ano!)

aba ang loko di ako pinilit….

kaya tinanong ko na ng diretso…

Sino mas maganda sa amin ni…….(ex nya)

walang kagato gatol ang sagot nya…

IKAW!

syempre palakpak ang tenga ko.. ang haba ng hair ko!!

pakiramdam ko ,.. sinabi nya lang yon dahil ako ang kasama nya.. hehe!

sabi ko,. eh ikaw, di mo itatanong sa akin kung sino ang mas pogi sa inyo ng EX ko..

aba! ang sagot sa akin… DI NA KAILANGAN..KITA NAMAN KUNG SINO!

di sya confident hehe!

Popularity: 1% [?]

Viewed 235 times 93 viewers


08/13/06 11:02 PM | Posted in worth blogging | by: rsmoya| » C15MMENTS

Remember sa previoust post ko,..

wala kaming kainan, kundi yung countertop ng kusina,

medyo unti unti ng nagkakalaman ang apartment na tinutuluyan namin,.

nakabili ako ng dinning table sa walmart sa halagang $99.00

Ok naman, kaso gusto ko sana kahoy lahat, pero mahal, di pa kaya ng budget namin, pansamantala ito nalang muna, kahoy din yung table,. pero yung mga upuan bakal , mahilig ako sa mga itim na gamit.. :P

tapos, nagpunta kami kahapon sa Flea Market, nakabili ako ng Coffee table, sa halagang $30.00, tinatawaran ko pa nga eh,. ayaw ibigay, pero ok na deal na yan , kaya kinuha ko na hehe!

yung ale, na kapwa pilipina ko, ang benta sa akin ng coffee table nya, $ 45.00 daw tapos ang liit pa,. buti pa yung indian, ang mura ng bigay sa akin,.

minsan, kung sino pa kababayan mo, sya pang ang mahal magtinda sayo,

nung una, kaya sa kanya ako lumapit kasi kala ko bibigyan nya ako ng discount. tapos nung tinanong ko kung magkano,. sabi nga 45.00 daw, sabi ko magiikot ikot muna ako tapos babalik ako sa kanya,.

sabi sa akin.. di ka na makakakita ng mas ma mura dyan..

eh bakit ako nakakita? hehe!

buti na lang nag ikot muna ako.. di nakamura pa ako..

nilagyan ko ng Canopy yung kama ni Liena.. pabili kasi ng pabili!. para daw mukha syang me sariling kwarto, (magkasama kasi sila ni kirstan eh )

tignan nyo,.Bagel na Square hehe!

Cappuccino w/Cinammon and Chocolate dash and 2 donuts,. too much sweets!

Ang mumura ng mga damit dito pag nag sale, nakakatemp bumili..hayy! *pigil rose, pigilllll*

Mga Kasabihang binago ng panahon… :)

Batu-bato sa langit, ang tamaan… sapul!

Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.

Ang buhay ay parang bato, it’s hard.

Ang taong naglalakad nang matulin… may utang.

Ang taong nagigipit…sa bumbay kumakapit.

Pag may usok…may nag-iihaw.

Dont judge the book by its cover… if u are not a judge or else
you will cover the book!

No guts, no glory… no ID, no entry.

Birds of the same feather that prays together… stays together.

Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.

Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan …. ay may stiff neck.

Birds of the same feather make a good feather duster.

Kapag may tiyaga, may nilaga.

Kapag may taga, may tahi.

Huli man daw at magaling, undertime pa rin.

To err is human, to errs is humans.

Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment.

Matalino man ang matsing, matsing pa rin.

Better late than later…

Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.

Ang sakit ng kalingkingan, kailangan ng alaxan.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.

Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!

Better late than pregnant - eto ang dapat motto ng kabataan ngayon.

Behind the clouds are the other clouds.

Aanhin pa ang damo.. kung bato na ang uso!

Its better to cheat than to repeat!

Do unto others… then run!!!

Pag di ukol, di bubukol…siya ay baog!

Kung may isinuksok, may mabubuntis!

Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.

Magbiro ka na sa lasing, Magbiro ka na sa bagong gising,’wag lang sa lasing na bagong gising.

When all else fails, follow instructions.

No man is an island because time is gold- ka praning to…

An apple a day.. is too expensive.

An apple a day, makes seven apples a week.

An apple a day cannot be an orange a day.

Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.

kapag ang puno mabunga…mataba ang lupa!

When it rains…it floods.

Pagkahaba haba man ng prusisyon ..mauubusan din ng kandila.

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw minsan
nasa….vulcanizing shop.

Pag may isinuksok, may ipuputok.

Pag may isinuksok, isuksok mo pa, harder!

Try and try until you succeed… or else try another.

Ako ang nagsaing… iba ang kumain. diet ako eh.

Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.

Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.

Pag may tyaga.. goodluck.

If you can’t beat them, shoot them.

Popularity: 1% [?]

Viewed 205 times 76 viewers




VistaPrint


  • »Site Statistics
    »Whose online
  • 34,586 spam caught by Akismet.
  • 1,709 spams in moderation.
  • 976 articles, 2,215 comments, and 20 categories.
  • Unique hits. Today: 49, Yesterday: 203.


  • Powered by :Wordpress Flatform
  • Theme by :rose moya of revolutionmotion.com
  • Entries (RSS)
  • Comments (RSS)
  • Powered by Wordpress
  • 44 queries. 1.362 seconds.