08/10/06 1:43 AM | Posted in worth blogging | by: rsmoya| » C20MMENTS

Mga Bagets,! senya na di ako nakadalaw sa inyo, ang busy ko kasi, lam nyo naman, driver ang lola nyo,.!

Tapos kanina,. nag general cleaning ako kahit isang buwan pa lang kami dito haha! Bored eh!

Ang hirap kasi dito sa apartment carpeted lahat! ayoko sana ng ganito, kaso ganito yata ang standard sa paggawa ng bahay dito,. carpet, palibhasa mas mahal ang wood/tile flooring!

ang mga bata tuloy, pinag iingat kong wag uminom ng Soda at mga juice na me kulay at pag natapon sa sahig,. patay ako nito, baka pagbayarin pa kami dito,!

One time nga, natapon yung coke, eh di ba kulay rootbeer yon(hehe! alam nyo na kulay nun di ba!) ano bang kulay? brownish red? brown? basta, madilim ang kulay,

Punas agad ako, baka magmantsa!

Nag Vaccum nga ako kanina… 3 supot ng alikabok ang nakuha ko,. ewan ko ba naman kung bakit,. saradong sarado naman dito,! parang pinatubo ano?!

Nagpunta kami sa Walmart, nung nasa bayaran na kami, nag uusap kami ng tagalog ng asawa ko,

sabi ng kahera, pilipina ka pala. di ka mapapagkamalang pinay,

sabi naman ng asawa ko, malimit nga yan mapagkamalan ibang lahi,..

(kala namin sasabihin,. intsik)

sabi ng kahera…. mukha kang thailander..

sa tanang buhay ko,. ngayon lang ako napagkamalang thailander bwahaha! ..

its either, koreana, japanese, intsik…

eh yung babae,. hinde ko rin mapapagkamalang pilipina…

paano,. ang suot ba naman eh,. yung Vest, (uniform nila)

Walang Damit sa loob,. nakabra lang.. (imaginin nyo)

Pag iniiscan nya yung mga item, kitang kita yung bra nya sa loob,..kulay dark blue hehe
(kasi alam ko di naman mag susuot ng ganong ang mga pilipina!), i mean,. mag susuot ng Vest na pagkaluwang luwang luwang ng kili kili,.walang damit?

ganito ba naman ang suot nya..

hinde,. joke lang haha!

ganito uniform sa walmart eh ,.

Imaginin nyo, walang damit sa loob,. yan lang blue na yan lang mismo ang damit nya, :P
kaya akala ko mexicana sya haha!

Me isang bagay lang kaming bibilhin, pero pag nasa tindahan na,kung ano ano ang nakikita.. kaya pagdating sa bayaran,. magugulat ka na lang sa presyo!

Popularity: 1% [?]

Viewed 209 times 64 viewers


08/7/06 2:50 PM | Posted in worth blogging | by: rsmoya| » C15MMENTS

Alas 5:40 ng Umaga dito.

First day of school ni Liena,. ang pasok nya ay 8:30 kaso si Neil naman ang pasok ay alas 7:00, mag luluto pa ako ng agahan,! kaya eto ang aga ng gising ko.. di ata ako sanay pa!

Hay, Ganito na ata ang magiging setup ng everyday life ko.. maliban na lang kung magtatrabaho ako at papasok si kirstan, medyo mababago!

Ang aga eh, computer ang inaatupag ko ano? (addictus talaga!).

Salamat nga pala sa mga dumaan kahapon,. !

Kahapon, naglalaro kami ng taguan nina liena at kirstan,

Si Liena ang taya,

tinago ko muna si kirstan sa closet, tapos nagtago naman ako

pero nakita agad ako ni Liena, tapos hinahanap nya si Kirstan… di nya makita,

Di natatawa ako, tapos sumigaw ako ke kirstan, sabi ko ” be Quiet ok” Dont Talk okay”

Sabay sagot ni kirstan ng pagkakalakas lakas ” OKAY”!

Sinundan ni Liena kung san naggaling yung boses, ayun nakita tuloy sya!

hmmp,. pimples, senyales ng period! ganun di ba kayo?

Parehas kaming Taga Cavite ng Asawa ko,

Ako sa Naic, Sya sa SIlang

bakit kaya me pagkakaiba minsan ang words namin?

like Suso(snail)ang tawag

Naic: Suso

Silang: Bukyo!

like Caterpillar

Naic: samutchang(katono ng yachang nye!)

Silang: Higad/Tilas

minsan nagtatawanan kaming mag asawa, pano iba words ko iba words nya,. eh kung tutuusin parehas lang kaming Tagalog.. alin kaya ang malalim? sa amin o sa kanila?! haha!

Maiba tayo,

Syet, Me Surot din pala dito, ang la- laki pa,!

naggawa pala ako ng Charmmy Kitty Screensaver..

Ganito ang itsura nya

[ACT]http://not2popular.com/swf/r4.swf,250,200 [/ACT]

Wanna download?

Nagbabadya na naman bang sumabog ang Mayon Volcano?

Wag naman sana…

Some People Hates Friendster,. I wonder Why?

I mean, Dahil ba usong uso? nakakairita na?

example itong site na napuntahan ko,. ninakaw na yung photo pinost pa!
matinding manlait ng kapwa.. ewan ko lang kung napaka adonis looking itong mokong na to!

Nakakainis!

check this ?

Popularity: 1% [?]

Viewed 184 times 52 viewers


08/5/06 3:38 PM | Posted in worth blogging | by: rsmoya| » C18MMENTS

We went to Target to buy some stuff for liena..

I couldn’t find the composition notebook , so i ask for help..

So naghanap hanap ako ng sales rep sa paligid at nakakita nga ako..

kaso itim,. so sinabi ko na i need a composition notebook na black and white (ewan ko ba naman kung bakit kailangan pa eh black and white ang cover!arte ng school eh!)

sabi sa akin. teka lang,. tatawag ako ng tutulong sayo!

Gah! di kaya sya pwede? at magtatawag pa.. (tamadachi ne!)
intay ako ng intay, mga 15 minutes, habang nag iintay ako, gala gala para di ako mainip
walang dumating na tulong… !!dika ba maiinis noon.. Ok lang mag-intay ng matagal pero kung wala namang tutuong sa yo, aba! nakakaasar na yon ha!
buti na lang me isang mukhang pilipino ang naglalakad at tinawag ko,

yun tinulungan ako.. tinanong ko kung pilipino sya, sabi nya, OO but we are not allowed to talk tagalog in the store.. (pahihirapan pa ako nito haha! )ayun,. kapwa ko asian ang tumulong sa akin!
Sa halos lahat ng stores na napuntahan ko,. or offices.. malimit kong maranasan at ma experience na medyo tamad nga ang ibang lahi compare sa mga pilipino,.or mas gusto lang nilang tulungan ang kalahi nila?
Yung doctor ni Liena dito, ang assistant nya puti..

nung huling punta namin, nakalimutan yung BP ni liena,. sabi tuloy ng doctor(pinay)

Tamad yang mga yan eh! sabi ko tuloy,.

ano ba ang pinag aralan nya ?yun na lang ang makuhang course, mag aaply ako dito haha! tawa si doc, sabi sa akin maige pa nga!

kaya siguro ang mga puti at itim mas gusto nila either mexican or pinoy ang kasambahay at hina hire nila dahil mismong kalahi nila ayaw nila..kasi masisipag tayo..

Racist ba ako?! di ko sinasadya! observation kolang yan
racist din naman sila minsan ah!

feeling ko nga nung time na nasa target kami kaya di kami tinulungan , kasi asian kami ..

i think lahat naman me say sa ibat ibang lahi eh… but pagdating sa lahi nila,….
Love your own ika na.!

Me cable na kami.. Comcast nga lang, walang filipino channel. ang arte kasi ng apartment na to.di daw pedeng maglagay ng satellite sa harap ng bahay, eh dun lang magandang reception! tiyaga na lang sa comcast!

Lunod ka nga sa 100+ channel , wala namang tagalog.. Boring yun ha!

nasira ang aircon dito sa apartment , kakapatay buhay ko ata… pinapatay ko kasi sa umaga kasi di naman gaanong mainit.. (para tipid kuryente) ayun, kakapatay ko namatay ng tuluyan. ang init init kagabi di tuloy ako makatulog.. me surot pa ata sa kama haha!

Happy weekend mga bagets at amiga!

ay teka di naman enjoyable ang post pag walang picture… wahehehe!

Kasalo ko sa lamayan sa gabi.. Greenpeas!

feeling teen ako,.. sana teens pa rin ako,( nangarap ang bruha!)

shirt:$5.99 /JC penny

Skirt: $2.99-50% off / goodwill

legging:$9.99/ JC penny

Pictures :priceless!

feeling model Yuckk!

Popularity: 1% [?]

Viewed 172 times 53 viewers


  • »Site Statistics
    »Whose online
  • 41,462 spam caught by Akismet.
  • 1,458 spams in moderation.
  • 1,004 articles, 2,252 comments, and 20 categories.
  • Unique hits. Today: 45, Yesterday: 132.


  • Powered by :Wordpress Flatform
  • Theme by :rose moya of revolutionmotion.com
  • Entries (RSS)
  • Comments (RSS)
  • Powered by Wordpress
  • 44 queries. 1.239 seconds.