Naikwento ko sa inyo ang nangyari dito..
Sabi ko ke neil, wag na muna akong pumunta dun sa bahay ng tita nya, kasi ako ang taong kahit anong gawin kong pagpapanggap na di ako galit, lalabas pa rin.. ayokong magkaron kami ng di pagkakaunwaan,
sabi ko, lilipas din naman ito..medyo nagtatampo lang ako. ! pero medyo me hinanakit pa ako, kaya kung maari ayoko sana muna syang makita..
nung araw ng huwebes, galing kami sa walmart, pagdaan namin mc.donald sa tagiliran ng walmart, me tumawag sa akin..
*rose, rose.. napatingin ako..
ang tita ni neil, kasama ang buo nyang pamilya nakain sa mc.do..
lumapit ako, at binati sila. wala na akong naramdamang galit.. basta, normal na yung pakiramdamam ko para sa kanya.
di kami nagtagal mag usap dahil gabi na, kailagan ko pang magluto para sa hapunan.kaya nagpaalam na kami..
inakbayan nya ako, at sabi nya
i hope your not mad at me.. dun sa pagkakasabi ko ke neil”
nagulat ako pero di ko pinahalata.. sa isip ko, di alam nya palang mali din sya..
niloko ko na lang sya. sabi ko” naku! nag bugbugan nga kami eh.”
tapos, tawanan kami at sabu nya sa akin.. “ILOVE YOU”
napatawa ako! ..
Kasi, ako ang taong, pag me nagyari sa aking mga ganito, isip ako ng isip, hanggang dumating sa point na na dedepress na ako, kahit si neil inaaway ko,. buti na lang di napupuno sa akin…
nung time na nag-away kami, tumawag sa akin si glaiza herradura, at magkikita sana kami sa isang mall dito at kasama nya din yung kaibigan nya, ipapakilala din sana ako.. di naman pumayag si neil, kasi nga me kailagan kaming ayusin , yun ngang Gulong yon..
enimail ko si glaiza, at humingi ako ng sorry, buti naintindihan nya ako. sabi nya sa susunod na lang, marami pa namang time.. sabagay nasa akin naman ang phone number nya. .excited pa naman akong ma meet sya!
sorry di ako nakakacomment sa inyo,.. medyo inaayos ko lang ang utak ko.. blanko talaga!
eto palang layout na to eh luma na.. dati ko na to! ![]()
salamat ulit ha…
to nao, noreen, val, ethel, michelle,
pasensya na kayo.. alam nyo na yun ha.! medyo ang tagal ano?!sa inyong lahat.. thankyou sa dalaw..
si michelle nga pala me bagong domain.. visit nyo sya.
Popularity: 1% [?]
Viewed 615 times 241 viewers


September 30th, 2006 at 4:46 pm
Hehe napansin ko nga ate Rose. Gulat ako nabuhay itong layout uli. Anyways, buti naman po at kahit papano’y ok na kayo ng tita ng iyong labz. :p
September 30th, 2006 at 6:03 pm
hello mommy rose, ito na ako ulet
at teka mukang ikaw naman ata itong busy hehehe… ako ito masaya at malungkot at alam mo na yun kung bakit 


alam mo ganyan din ako eh pag galit ako hindi ko kayang itago buti pa ang pag-iyak nakakayanan kong pigilin… pero buti naman at nagkaayos na kayo ng tita ng hubby mo panget din kasi yung may de pinakakaunawaan sa myembro ng pamilya
take care mommy rose… namiss kita
September 30th, 2006 at 9:57 pm
naku, fave ko tong layout mo na to, ate! parang cotton candy ang dating! masaya sya! buti naman at ayus na kayo ng tita ni Neil, mas mabuti yung ganun may peace of mind tayong lahat dba? hayy..
October 1st, 2006 at 3:10 am
Ate Rose.
Buti naman at okay ka na.
At least, lahat kayo batibati.
Ang cute nga pala ng new layout nyo.
Sige po. Ingat kayo!
October 1st, 2006 at 1:38 pm
eh di ayos na ayos na kayo ng tita mo? (well tita mo na din kasi tita ni neil hehehe)
KAINIS KA! ANG GANDA NG LAYOUT MO
sana ganyan din ako kagaling kagaya mo..
October 1st, 2006 at 5:39 pm
Sis di ko na gets ‘tong entry mo ngayon mukhang behind ako ah, hehhee.. tignan ko nalang sa previous post mo
Ang ganda ng layout mo sis i love this super ganda ng kulay
tas yong header hehe
kyut as in.
October 1st, 2006 at 11:49 pm
Wow khit na hindi bago ang layout mo, namamangha parin ako. ganyan din ako pag me sigalot ng asawa ko, nabubwisit ako! cguro nga okey kana ngayon at sana mag tuloy tuloy na.
October 2nd, 2006 at 1:16 am
buti naman te good news yon, kahit papano eh um-ok na kayo ng tita ni kuya neil. wag lang sana syang plastic…hmmm
uy tama ba yung nakita ko sa flickr badge mo? meron ka nang graphic pen? wheee! ang saya naman
October 2nd, 2006 at 9:01 am
Nakakamiss bumisita d2, kagabi lang kc kami nagkakoryente matapos ang bagyo. Ang galing talga d2, laging may bago. Bagong entries at bagong layout. Gleng gleng talga.
October 2nd, 2006 at 11:52 am
hi sis! buti naman ayos na yung gulo. kung ako rin naman, magtatampo talaga ako. pero buti ok na lahat. namiss ko blog mo ah! sensha na ngayon lang ulit ako nakadalaw. take care!
October 2nd, 2006 at 11:58 am
go ate rose! haha! baka kung anong gulo mapasok mo te, ingat, joke.! buti at nagkausap n kau ng tita ng hubby mo. mgnda un so ok na.
sorry at di ako lging bumibisita. TC.
October 2nd, 2006 at 4:36 pm
there are times talaga na nagsasabay ang bad air sa dalawang tao. buti neil is understanding, and at least the tita kinda admitted she was wrong
October 2nd, 2006 at 9:42 pm
bwahaha! galitin ba anak.. you talaga mommy ha. ano yung kanta mo “stinky” hahaha (comment to para dun sa latest post mo na hindi ako makapasok. It’s redirecting towards YouTube. Ewan ko bakit)
missyah ganda!
October 6th, 2006 at 4:54 am
hmm ayun naman pala e alam siguro ng tita ni neil may mali din cia, ako din ganyan masyadong palaicip. nkuh ate wag mo na masyado isipin yan ikaw rin papanget ka hehe. Godbless ur family.