Vaccum to the max ako kanina.. dito natulog ang 8yr old na pinsan ni neil, nasa ospital kasi ang tatay nya, kaya ayun, ang tatlo, si kirstan, leina, at danielle(yun ang name nya) hinalughog ang buong kabahayan, parang dinaanan ng lindol!
habang nag va vaccum ako, sinabihan ko si liena na pulutin yung mga duming hiinde kayang higupin ng vacuum.. eto sabi ko,.!
syempre, naiinis ako di na ako nag isip ng sasabihin ko..
“get the dirt that the vaccum cant get” oh todo ingles yan!!
napanganga sa akin si liena.. para bang tinatanong ang sarili nya “ano kaya ang ibig sabihin ng nanay ko?!! ” bwahaha!! inulit ulit ko.. pero wala talaga, di maintindihan ng anak ko.!
eh as reaksyon ng anak ko, napaisip ako.. ! ano ba ang mali sa sinabi ko?! tinagalog ko hmm
get the dirt that the vaccum cant get… -sa tagalog: kunin mo ang dumi na di kayang kunin ng vaccum… tama naman ah!!
inulit ko ke liena.. pero medyo iniba ko na.. baka di na naman ako maintindihan eh..
sa bi ko: Liena, Liena, get the dirt that the vacuum cant pick up! medyo na gets nya…
pinulot.. kinorek ako ng anak ko!!
mom,. just say “pick up the dirt!! ”
Ahh! yun lang pala eh! tsk! dami ko pang sinabi!! nahiya tuloy ako sa sarili ko!!
ba naman, sino ba nagpa uso ng ingles ha?! .. marami na akong katangahan sa ingles na yan eh..!! kaya nga mas pinili kong magtagalog sa blog ko.. pahihirapan ko pang mag iingles eh mali mali naman..!! tsk!
Although i know, sometimes, all the time, everytime.. baby come no come!! palpak ang ingles ko.. sige pa rin!!
me isa pang pangyayari sa akin.. nasa kmart kami, kasama ko si neil. bag pa lang kaming mag BF noon,. aba! me bigla ba namang nambato sa amin, mga kabataang walang magawa sa loob at doon nag lalaro ng bola..!!
sa gulat ko eh. nasambit ko “watch out!!! ” aba! bigla ba namang napatawa ng malakas si neil.. sabi ko bakit?!
watch it daw dapat!! o sya sya!! eh napatawa na lang ako sa sarili ko ..
eh pag nanaalala ko yung ke liena, napapatawa ako sa sarili ko e.. malamang pagtagal tagal, mas marami pang ikokorek ang anak ko sa akin.. !!!
oh my golly,. i dont wana spoken english anymore,
eh eto pala kami.. nakikibata po ako! naku yung pinsan ni neil, ang kulit.. GRRR! inaaway lagi si kirstan.. naghariharian sa bahay, si leina naman sunod ng sunod.. kung pwede ko lang kutusan hehe!!

Popularity: 1% [?]
Viewed 590 times 216 viewers


November 28th, 2006 at 7:03 am
natawa naman ako sa anak mo.. ang cute.. at medyo napa-isip din ako sa gusto mong sabihin
nevetheless na-gets ko naman. oo nga minsan pag nag-english lalo pa nagkakamali tagalog na lang para maintindihan agad.
November 28th, 2006 at 10:41 am
hala, ang dami agad post na na miss ko ate rose.. natawa ako dito sa blog mo, totoo yan mahirap mag english, ako din dati hirap eh, pero sa blog mas gusto kong magtagalog talaga, ang hirap iexpress yung feelings kapag english eh, mas ok ako sa tagalog, pake nila, hehe
ang laki ng shades mo
ang cute
November 28th, 2006 at 12:42 pm
Hello, tagal ko d nakabisita, kala ko nagtampo ka ng mag-blog eh. Your have an eye for photography naman eh, galing nga nakakaelibs, pwede mo talga yan pagkakitaan even web designs. Ur good at it, promise! :smile::smile:
November 29th, 2006 at 12:09 am
Mommy rose! Nakaktawa ka naman loka ka! Kaya hindi ako nagsasawang basahin mga blog mo kasi nakakatawa talaga. Hindi nakakaantok ba mga kwento mo. Puro kakenkuyan pero i like it! Hahah! Bakit kasi hindi mo tinuruan magtagalog ang anak mo para nagkakaintindihan kau? Lols. Nakitah ko rin ung pictures mo sa baba na tungkol sa photoshop! Langya tawa ako nang tawa. Bruha ka! Hahaha! Oh sya alis na ako baka magkalat pa ako nang masamang hangin dito sa kakatawa ko.
November 29th, 2006 at 2:01 am
type ko glasses mo! gigantic! hahahahahahaha kyutttt ng mga bata!
at natawa ako sa previous post mo ha! galing mo naman mag-edit sa adobe! pano mo natatanggal lahat yon hahahahahaha loka ka talaga!
November 29th, 2006 at 3:17 am
hahah akurin ayawku ng spoken in dolar masyhadu kc ang panget! hahah!
November 29th, 2006 at 8:04 am
wow ang cutie nio naman ang ganda ng shades nio ha, mukhang malaki pa kay liena ung salamin, ang kulit talaga ng mom nila noh hehe ang saya nio ate.