anybody wants christmas card?? email mo your address .. !!!
rbedua at gmail dotcom .. parang lets trade card !!
Si insan, halos sabay kaming nag-asawa noon, pero kaibahan lang namin , mayaman ang napangasawa nya,. Sa tuwing uuwi sya sa bayan namin paiba iba ang kotse nya, me kanya kanyang yaya ang 3 nyang anak,.
Hiyang hya ako sa kanya pag nauwi sya at dinadalaw nya ako noon, dahil mukha akong busabos.. nakakaporma man, di pa rin kayang tapatan ng kanyang magagandang damit..
Naaawa ako sa sarili ko, pero ganon talaga,. pinili ko to,! minsan di ko sya sinisipot, ayokong makita nyang naghihirap ako,..
dumating ang time na kailagan na naming maghiwalay mag pinsan. nagpunta ako ng Guam..! Sya, ayun noon, nagpatayo ng malapalasyong bahay na balita ko sa lola ko eh milyones daw ang halaga.!
After 12 years, nagkaron kami ng communication sa Friendster… Nakakatawa pa nga dahil, iniba nya ang pangalan nya. pangalang panlalaki.. nakikipagbolahan. sabi ko, wala akong kilalang pangalan nya,.
Lumaki daw kaming sabay, naglalro.. close daw kami.. Inadd ko sya.. Saka nya sinabing sya pala si insan…!
Ang pinsan kong kasabay kong lumaki, kasama sa mga kilig moments, sa pagtakas, at kung saan saan pang kalokohan..!
Nasa california daw sya.. Sabi ko bakit?! hiwalay na daw sila ng asawa nyang babaero..! simulat simula pa lang daw ay tiniis nya ang panloloko sa kanya. kaya nung nagbakasyon daw silang buong pamilya nya sa california, nagtago na sya.. di na sya sumipot ng pabalik na sila sa plipinas.. Iniwan nya ang 3 nyang anak sa asawa nya na ngayon nasa pilipinas na.!
Malungkot din, pakiramdam ko, nagkapareho kami, pero.. sya nag iisa.. ako meron akong Neil, liena at kirstan.!
hinde nya daw kayang magtiis.. Di na sya masaya,.! yung asawa nya, pagkahiwalay nila, nag asawa na ulit!
Nainggit ako noon sa kanya dahil marami syang pera, mabibili nya ang lahat ng gusto nya.. samantalang ako, ni sarili kong panty di ako makabili.. pero ngayon, awa na ang naramdaman ko sa kanya..
Although, me oras na pag nag kukwento sya na mamahalin pa rin ang mga gamit nya ngayon, ang mga pantalon ya ay halagang $100 ang mga bag nya ay gucci at prada, ang mga damit nya ay triple ng halaga ng damit ko.. naiintindihan ko sya.. Nasanay kasi sya sa ganong buhay..!
Pagkakaiba lang namin.. ako, mura ang mga damit ko, hanap ko lagi sale, malimit ako sa mga outlet, brandname pero mura.. di ako nagasta ng mga damit at sapatos, bag na di lalampas sa $20.00 .. Para sa akin, wala naman sa damit yan.. kung paano mo dalhin.!
Nakakatwa nga kasi minsan, pag nag kukwento sya na ang mamahal ng mga damit nya, sa isip ko, di ko naman nakikita eh,! kaya sige na nga!!
Nabago talaga ang buhay nya ng dumating sya sa california, dahil kung sa pilpinas, di sya nagtatrabaho, ngayon minimum wage sya. atleast, nakawala sya sa buhay na alam nyang di sya sasaya.. yun ang importante.. ..
minsan, kailagan din nating isipin ang kaligayahan natin di ba? masaya nga ang nasa paligid mo, paano ka naman?!
yun ang nasa isip ko noon, alam kong magsasakripisyo ang mga anak ko, alam kong along the way me masasaktan, pero ganon talaga ang buhay…!!
Buhay nga naman…! parang gulong!!
Popularity: 1% [?]
Viewed 339 times 114 viewers





