Thankyou sa inyong lahat na bumati sa akin nung bday ko..!
sa mga ka friendster ko.. thankyou very very much! ![]()
mahigit 30 taon na ako, pero isa sa pinakamasaya kong kaarawan nung mga unang taon namin ni neil.. maliit pa lang ang sweldo nya,
sa isang maliit na kwarto pa lang kami nakikitira. single na kama na pinagkakasya namin ang aming mga sarili para lang me matulugan kami,
Sa tuwing pupunta kami sa isang tindahan sa Guam. me isang bagay akong laging hinihipo,nilalaro, ika nga eh hanggang tingin na lang ako dahil me kamahalan.. gustong gusto ko yon,
Dumating ang aking kaarawan, sabay kaming umuwi galing sa trabaho dahil nagpaalam sya sa boss nya na kakain kami sa labas dahil bday ko nga.. gabi na noon. madilim ang kwarto,.
Pagbukas ko ng ilaw, nakasandal sa pader ang isang malaki at pahabang kahon na nakabalot at me laso..
Napatingin ako ke neil.. sabi nya “happy bday” sabay tawa..
ako naman ay excited na binuksan ang kahon…
Isang malaking yamaha electronic organ.. na matagal ko ng gusto.. na matagal ko ng pinapangarap magkaroon.. na syang hinihipo hipo ko sa tuwing pupunta kami sa tindahang yon, na akala ko ay hanggang tingin na lang ako, pero hinde pala.. nasa harapan ko na sya..
tumulo ang luha ko sa saya..! .hinalikan ko sya at nagpasalamat..
tinanong ko sya kung paano nya nabili yon? samantalang wala pa kaming credit card noon, wala syang pera..
hinulugan nya pala.. bago sya umuwi galing sa trabaho sa tuwing su sweldo sya. hinuhulugan nya ito..
sinakripisyo nyang wag bumili para sa sarili nya.. para lang sa akin.. !
ngayon, malapit na rin ang birthday nya (dec.15) hinde ko alam kung ano naman ang ibibili ko sa kanya..
———————————————————————–
pasensya na , medyo maselan itong post na to
Tinanong ako kanina ni Liena ..
Mommy, why kirstans dingding (private part) is small, while daddy is big?
and why yours have hair and mine dont have?!
ano ang isasagot ko?!
tinanong nya ako paulit ulit..
ano ba isasagot ko?? di ko na lang sinagot..
kilala ko si liena.. tatanungin nya ako ulit..
ano isasagot ko?
kayo ??? ano isasagot nyo??
lumalaki na talaga ang anak ko.. nagkakamalisya na ata??
Popularity: 1% [?]
Viewed 660 times 227 viewers


December 5th, 2006 at 8:23 am
Ate ROse, belated Happy Birthday!
December 6th, 2006 at 3:17 am
uuuy ang sweet naman ni kuya neil. hmmm kung si eric kaya ganyan din ka-sweet pag-pinakasalan nya na ako?
sabhin mo na lang siguro na kapaglumalaki ang tao, lahat ng part ng katawan ng tao lumalaki rin.
hmmm lumalaki na si liena ah, marunong na syang magtanong!
December 6th, 2006 at 8:19 am
ang twit naman ni papa neil!
about kay liena.. just tell yung reproductive system natin mala-science lesson. para kahit bata pa alam na yung mga ganyang bagay walang malisya.
December 6th, 2006 at 12:45 pm
Basta explain mo lang sa kanya na kapag ang tao lumalaki na nagbabago ang mga parts ng katawan…tapos sabihin mo sa kanya part yon ng buhay ng tao, ang baduy no…
December 6th, 2006 at 12:59 pm
Ate Rose belated! Hope you had a great bday! Ngayun lang ulit ako napadaan pasensya na! Take care! God bless!
December 6th, 2006 at 2:32 pm
belated happy birthday mommy rose. ang sweet nga ni neil kasing sweet ni luvski hehehe pero lamo ko nahihiya ako mang hingi kay luvski ng mamahalin na gamit lalo na hilig ko gagdets pero hanggang hilig lang de ko nahahawakan hehehe basta yung affordable at may maiiwan pa samin. tulad ng digicam, celfon, mp3 meron ako lahat bigay nya pero hindi mamahalin pero maganda syempre kasi bigay nya
kaya nga ako nagwork eh para mabili ko yung gusto hehehe ganun eh noh!
cge mommy rose ingat!
December 6th, 2006 at 3:16 pm
Ate may new domain ako1 sorry di kita nabati noon kasi wala kami internet connection ng a week ata un eh sorry talga ily.
miss you.
December 7th, 2006 at 12:27 am
Heheh! natawa nman ako dun sa tanong ni Lena.. heh! happy birthday muna pala…
Nung bata ako parang natanong ko narin ang aking INa na ganyan, pero diko remember kung nasagot nya! hehe! tama yung sabi ng iba, sabihin molang as we got older nag iiba tlga hitsura ng ibang parts ng ating katawan… hehe!
December 7th, 2006 at 4:27 am
Waa! Mommy rose! Bday mo pala. Di ko alam sori.
Nagkaroon kasi nang problema sa internet connection ko kaya d ako nakadaan dito nang matagal. Anyway belated happy bday sayo! 
December 7th, 2006 at 12:31 pm
hi ate rose
tama ka lumalaki na si liena, ganyan talaga yan, alam ko napagaralan na namin yan eh, hala nakalimutan, yan yung stage na palatanong na ang bata, lahat ng nakikita nila itatanong nila
parang napaisip nga ako kung pano ko nga yun sasagutin, ang hirap eh. 
December 8th, 2006 at 2:42 am
mommy rose! happy b-day! sorry d na ako nakakadalaw!! hayy.. ang cute nman nung pag ka bigay sayo ng gift! hehehe..
December 12th, 2006 at 8:44 am
how sweet ni hubby!
nway, sabihin mo kay Liena when she grows up she’ll know.