Me sakit ako ngayon.. ang sakit ng ulo ko,. ang lamig kasi dito,.!
Kadalasan sa aming mga nanay, pinagtatanggol namin ang mga anak namin kapag me nag aaway o nang aapi, ganon talga di ba? pero minsan na mi misinterpret ng iba. nagiging kunsintidora daw kami.. siguro nga yung iba pero ako alam ko kung kelan kakampihan ang anak ko at kung hidi dapat\.!
Si liena at kirstan ay di lumaki sa simbahan, meaning di kami nasimba linggo linggo,pero lumaki silang mabait.
Kapag nakikipaglaro sila sa mga ibang bata, ang napapansin ko lang, lagi silang inaaway, lagi silang sinaksaktan, pero ni minsan, hinde sila gumanti.. ako pa ang nagsasabing gantihan kahit alam kong mali ang turo ko.. siguro dahil nanay ako, ako ang nasasaktan pag nasasaktan ang anak ko..
Malimit magkalaro si liena at kirstan, pero hinde mo sila makikitang nagsasakitan, oo nag-aaway sila, yung pikunan, tuksuhan pero yung dumating sa point na magsasakitan sila.. hinde!
Bakit me mga batang, kahit tinuruan ng magulang na wag maging masama ang ugali.. lumalabas pa rin?! di kaya hereditary yon?
Naalala ko tuloy ang sabi ng tita ni neil sa akin..
“aba! dapat lagi kayong nasimba para lumaking mabuting mamamayan ang anak nyo” yung me takot sa diyos! yung alam na mali ang ginagawa nila”
Palagay ko naman tama sya noon,..!
Pero narealized ko na hinde din..
yung anak nyang kasing edad halos ni liena. sa tuwing makakakita ng magagandang bagay ke liena. its either sinisira nya or kinukuha nya..! di ko yun sinsabi sa tita ni neil dahil ayokong magkaron kami ng di pagkakakaunwaan,
Pero sumobra na sya.. yung bagong bili ni Liena na scarf, para sa winter.. sinira nya yung pompom.. yung nakalawit.. di pa man nasusuot ni liena. sira na..! di na magalit.! nakakapanghinayang,
sinumbong ko sa tita ni neil.. sabi titgnan nya daw yung scarf.. (baka di naniniwala) tapos kinuha nya at tatahiin daw!
bakit yung anak nya. lumaki sa simbahan.. alam nya bang mali ang ginagawa nya?! ang manguha ng gamit ng me gamit at manira?
sa pakiwari ko’y me halong pagka inggit kapag nakakakita sya ng gamit na magaganda ke liena, kaya nya sinisira or kinukuha..!
ako bilang ina, ayoko ng ganon.. ang mga anak ko, kahit san mo dalhin,. hinde sila nangunguha ng gamit ng me gamit.. hinde sila ganon.. pero hinde sila lumaki sa simbahan..!!
Masakit sa akin, kapag naiyak ang anak ko dahil nasaktan sila!
Popularity: 2% [?]
Viewed 689 times 248 viewers


December 8th, 2006 at 4:19 pm
grabe! ang swerte talaga ng mga anak mo dahil ikaw ang naging nanay nila.
Hindi nman sa lumaki sila sa simbahan o hindi. Minsan d rin sinasaway ng mga magulang ang mga batang ganyan. O baka na iispoiled. Ikaw dahil close ka sa mga anak mo dahil siguro ayaw mo maging kagaya ng mommy mo.
Basta madaming ways kung bakit ganyan ang mga bata. Pero as a mommy, natural lng yung masasaktan ka rin pag umiiyak ang mga anak mo.
Nakakainis rin yung sumosobra na yung mga kalaro ng mga anak mo eh. Minsan sumasakit ang ulo dhil sa mga batang ganyan na mga kalaro ng mga kapatid ko. inis!!
December 9th, 2006 at 7:19 am
hi ate rose!
first i want to greet you a belated happy birthday. ngaun lang ako nakapag online kaya now din lang nakapag blog hop. i wish you happiness in life.
hey! ganyan talaga mga bata. mag aaway yan tapos magbabati ang malalaro ulit. hindi sila nag ga grudge. yun ang maganda sa mga bata.
sa age na ganyan is nagkaka inggitan yang mga yan at natural lang yan. mawawala rin yang ugali nilang yan.
then, about sa hindi pagsisimba ng mga kids mo. yes! maganda nga na nagsisimba sila pero ang pagsisimba hindi basehan ng kabutihan. buti nga at ang babait ng anak mo. as long as wala silang iaapakan na iba hwag ka mag alala.
keep on nutturing your children to be GOOD ones. have a blessed day.
December 9th, 2006 at 1:18 pm
hi ate rose,
maganda yung pagpapalaki mo ke liena at kirstan, maganda yun kaso minsan kelangan mong turuan ang mga anak mo na gumanti, sympre hindi naman pwedeng away-awayin sila, siguro kung ang anak ko eh inaaway-away, ganun din ang sasabihin ko, na gantihan nila, oo masaya yun, alangan naman na ikaw ang gumanti para sakinila diba? hehe matuto silang lumaban, dahil para sakanila naman yun eh.
bakit ako hindi naman ako nagsisimba pero ang bait ko, hehe.. joke lang, hindi nga ako nagsisimba pero may takot ako sa dyos, hindi naman required magsimba ah, atska hindi mo naman kelangan magsimba para lang makita ng iba na may takot ka sa dyos o may masabi sila “oii mabait yan, nagsisimba yan eh” yung iba nga dyang nagsisimba mas siraulo pa sa hindi nag sisimba eh
December 9th, 2006 at 3:14 pm
lamo mo mommy rose nakukuha din ang ibang ugali sa ibang bata kung anak mo hindi lumaki sa na may ibang batang kalaro eh syempre hindi sila mahahaluan ng ibang ugali kasi ang bata mahilig gumaya lalo na pag nasa stage sila ng growing up mga 3-4 yrs old mga ganun. Swerte ng anak mo at may kapatid sya dahil hindi na nya kelangan ng kalaro lamo anak ko ganyan drin pero ngayon may iba na akong napapansin sa ugali nya dati hindi sya marunong lumaban pag-inaaway or minsan nga nagugulat sya bat sya inaaway. saka hindi rin sya nangingilam ng gamit ng gamit pero simula nong nilalabas ko na sya sa labas ng bahay para makipaglaro sa ibang bata at kung minsan nagpapapunta ako ng bata dito samin tapos pagpasok dito kung ano ano ng kinukuha ayun nakikiagaya na si yuna nong si yuna pa nagsasaway sa batang yun. sasabihin nya “dont touch that” pero inisip ko nalang ganun ang bata.
kasi ganito daw ang ugali ng bata:
kung anong makita nyang laruan sa kanya man o hindi iisipin parin nyang sa kanya yun.
pag nasa kamay nya ang isang bagay kahit de kanya sa isip nya sa kanya parin yun/
kung ano magustuhan nila inaangkin nila kahit de kanila basta ang iniisip ng bata sa kanila lahat ng bagay

nakuha ko yan sa toddlers quote napangiti ako sa quote na yun. minsan post ko sa blog ko
ingat mommy rose!
December 9th, 2006 at 3:19 pm
nakow ang labo na naman ng mga pinagsasabi ko. hindi ko kasi mabasa yung sinulat ko sa txtbox. pasensya na mommy rose ha
December 9th, 2006 at 4:30 pm
Some people are self-righteous. Minsan kasi puro sila salita, pero, ang swerte mo coz your children are raised well, kahit hindi laking simbahan. Nasa pagpapalaki yan ng magulang, dahil ang pagiging mabait, di naman natututukan ng simbahan, magulang ang gumagawa nun
December 10th, 2006 at 3:48 am
hello sis ? oo kilala ko si Alain Davis ang cool naman magkakakilala kayo weeeh sana one day get together tayo nhu? saya….. heheh ganda ng blog mo sis ang cute ang ganda ganda hehe ang cute pati ng pictures ng babies mo miss you ate rose ?
December 10th, 2006 at 8:14 am
Sa tingin ko wala namang nanay na gustong nasasaktan ang anak nila (ay meron pala pero iilan lang naman sila hehehe) siguro asa paraan na ng pagdi-disiplina. Personally, naiinis ako sa mga batang “spoiled brats” yun tipong ngunguyngoy at mag ta-tantrums to death pag d binigay ang gusto. Meron kasi akong tita na ganun ang anak niya, eh dito sila nag overnight, asar na asar kami ng mama ko. Gusto pa nya sa kama ng mama ko matutulog at katabi daw nanay niya, hello, alangan naman yun mama ko ang ma-dispatsa sa sarili niyang kwarto diba? hehehe .. ayun nakakainis yun mga ganun bata
pero kung iba naman talaga ang nagsisimula ng away at agrabyado talaga ang anak, aba, dapat lang ipagtanggol ng nanay yun. Basic instincts nga dapat ng isang ina yun eh…
December 10th, 2006 at 11:14 am
Alam mo, depende yan sa environment na kinalakihan nila, may mga lumaki sa church na lumaking mabait, at meron din katulad ng sa tita mo…ang mga anak ko laking simbahan, pero natuto na silang maging matigas ang ulo dahil sa paghihiwalay naming mag-asawa, nasira ang pamilya namin at dahil nga kung saan saan ko na sila dinadala at pinakikisama, na-expose sila sa mga bagay na wala naman sa amin noon…nahawa na nga sila..so depende talaga yan…pero mare, hanga ako sa pamilya mo, ibig sabihin nakatagpo ka ng matinong lalaki na talagang umalalay sa iyo at sa mga anak mo…nasa lalaki din kasi ang pagdadala ng pamilya.. hanga ako sa iyo sis, napabuti mo ang buhay mo…
December 10th, 2006 at 9:02 pm
kami ng parents namin na khit di kami palasimba dapat malapit sa puso namin ang Diyos, kaya kahit anong trials ang dumating sa amin, lagi na lang kami nasasalba sa bandang huli kaya we love God very much. di naman importante na magsimba every week pero we see to it na khit paminsan minsan eh we visit him sa church kahit papano we never forget to pray every night. me and my husband promised to ourselves na palakihin ang anak namin ng matino at wag gayahin mga parents namin
anyways, diba kasi may palasimba pero mga barumbado naman at mga akala mo kung sino. marami na akong nakilalang ganyan puro mga balat-sibuyas akal mo mga relihiyosa.
that’s really nice to know na you and Neil are very great parents at lahat kami tinutularan ka, ate Rose! bow kami sayo!
take care always!!
sorry yung pagtatagalog ko eh mejo bulol at di maintindihan ha.. mwahh
December 10th, 2006 at 9:51 pm
Depende talaga sa magulang sis kung pano nila didisiplinahin yong mga anak nila.
Ang bait naman pla nila Liena at Kirstan.
December 11th, 2006 at 12:42 pm
ganun talga ate. maraming nagmimisinterpret. pero okay lang yun. atleast pinapatunayan mo lang na mahal mo talga ang anak mo.
December 11th, 2006 at 4:52 pm
lam mo te rose, tama ka! para sa akin, nasa magulang pa rin kung paano palalakahin at didisiplinahan ang kanilang mga anak! swerte nina liena at kirstan dahil nagkaron sila ng magulang na gaya mo at ang swerte mo rin sa kanila dahil di lang sila mga cute kids kundi mababait pa at sumusunod sa’yo!
ingatz ka lagi te rose! god bless po…
December 12th, 2006 at 8:40 am
Hay mommy rose naiintidihan kitah hindi dahil sa mommy na rin ako kundi mali talaga! Hindi totoo na kesyo napunta ka nang simbahan linggo linggo eh mabait ka nah hindi totoo yun! Mga kasabihan lang yan na isinaksak sating nung mga bata tau pero hindi totoo yun. Nasa pag papalaki lang nang magulang yun. Yun ang sa tingin ko. Eh mommy rose me hingin akong favour sayo kung pwede sana. Pwede ko bang mahingi yung email address mo para dun ko na lang sabhin? salamat!
December 13th, 2006 at 7:11 am
iba talaga ang mga bata dyan sa US. Although, depende yan sa pagpapalaki ng magulang sa kanilang mga supling. May mga bata talaga na naiinggit sa mga bagay na ibang bata meron. Tipong gusto nila kung anong ibang bata meron. Anyways,…baka naman mga bratz naman.
December 15th, 2006 at 7:02 am
ako nga pinsan ko pa lang naiinis na ako sa mga umaaway sa kanya anak ko pa kaya.. nasa nagpapalaki din yan.. pala simba man o hindi..
July 6th, 2008 at 1:24 am
maganda yung pagpapalaki mo ke liena at kirstan, maganda yun kaso minsan kelangan mong turuan ang mga anak mo na gumanti, sympre hindi naman pwedeng away-awayin sila, siguro kung ang anak ko eh inaaway-away, ganun din ang sasabihin ko, na gantihan nila, oo masaya yun, alangan naman na ikaw ang gumanti para sakinila diba? hehe matuto silang lumaban, dahil para sakanila naman yun eh.
sna pag btihin mupa yan
i proud to you,.,.,