09/27/07 4:54 AM | Posted in worth blogging | by: rsm| »

Check nyo yung photograhy section ko , me bago akong upload.

Absent muna ako ng 2 araw hehe..

yung isda ko,. weee. so far wala pang namamatay.. sana naman tuloy tuloy na.. ang tatakaw nila,. minsan 4x aday kong pinakakain.
tapos bumili na ako ng ilaw para sa aquarium.

tapos, kanina bumili pa ako ng 10 pang goldfish. so 22 na sila.. nakakatuwa.. siguro kilala na ako ng ibang isda, kasi ako nagpapakain sa kanila eh, :P

Napanood ko nung sunday dito, yung ke aga.. yung bago ni agang sitcom.. ano ba pamagat nun? nakalimutan ko na agad haha

Ang payat naman ni aga.. :( mas gusto ko yung medyo chubby yung face nya, mas cute sya hehe.. pero cute pa rin sya,. kaso kitang kitang nag iba yung face nya :(

tapos pansin ko, parang si bayani kokonti na lang ang exposure, laging si roderick..
pansin ko lang sa ABS-CBN, pag sikat yung artista nila, kabikabila yung project, lahat ata ng palabas nila nandun yung artistang sikat.. tapos pag hinde na sikat, wala ng project hehe..

Pansin ko din, si pokwang ata ang paborito nila ngayon.. :P eh ang dami dami nilang talent, bakit me mga artistang doble doble ang project?

Di ko alam ang kalakaran sa GMA since ABS lang ang napapanood ko dito, pero yun lang ang napapansin ko ha.. kaya di ko masabi ang side ko sa GMA haha..

Dati nung kasikatan ni Ai ai,, ang dami nyang show sa channel 2, ngayon bihira mo na syang makita..
si bayani ganon din, dati sikat na sikat, kabi kabila ang shows. ngayon yung kasama na lang si aga.. di pa sya ang sidekick,.

ay ano ba yan,naging showbiz ako haha.. :P

totoo nga bang naging mag on sina pops at piolo?

Popularity: 2% [?]

Viewed 702 times 286 viewers


  1. Gravatar    Grace Says:

    hi ate rose, ganyan naman sa abs-cbn eh, kapag sikat ang daming shows, nako antayin ko nga si angel locsin, dibale kasi sya ata yung bagong artist ng abs eh, tyak madami yang shows, kawawa naman tuloy yung mga ibang artista dyan na dati sakit biglang bagsak kasi napapabayaan na din ang abs eh, mas nafofocus sila sa new comers o kaya naman sa mga sikat talaga, sympre :!:

    yung ke pops? ewan ko lang, haha.. ang alam ko ikakasala na sila ni jomary oh ah, showbiz na showbiz! :arrow:

  2. Gravatar    valerie Says:

    hehe ate rose natuwa ako sa video ni liene ang ganda nya :) awwww… grabe yung menudo di ko alam yun hehehe 80s na 80s yung cannonball na kanta at ang style 80s talaga asan si ricky martin dun sis? sya ba yung nasa Pinball machine???

    na intriga ako sa comment ni grace si pops ikakasal kay jomari? as in!????!

    hehe mishu te!

  3. Gravatar    lizeth Says:

    rose! korek ang mga sinabi mo…pati ung mga observations mo. showbiz talaga e! i dont watch tv that much…e si toni gonzaga sikat pa din ba?!?

    piolo and pops?!?! really?

:mrgreen: :neutral: :twisted: :shock: :smile: :???: :cool: :evil: :grin: :oops: :razz:
:roll: :wink: :cry: :eek: :lol: :mad: :sad: :arrow: :idea: :!: :question:

XHTML: Line-breaks are automatic. Available tags are <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>



VistaPrint


  • »Site Statistics
    »Whose online
  • 34,719 spam caught by Akismet.
  • 1,841 spams in moderation.
  • 976 articles, 2,215 comments, and 20 categories.
  • Unique hits. Today: 74, Yesterday: 203.


  • Powered by :Wordpress Flatform
  • Theme by :rose moya of revolutionmotion.com
  • Entries (RSS)
  • Comments (RSS)
  • Powered by Wordpress
  • 36 queries. 1.482 seconds.