remember, i was telling you about salvation army? aka thrift store.. AKA ukay ukay haha..
madaming salvation army dito, pero yung sa isa lang ako napunta. kasi dun, malapit sya sa beach. eh ang mga nakatira dun mayayaman, so ang mga nag dodonate dun sa salvation army mayayaman din.. kaya magaganda yung mga gamit nila don.
depende naman sa yo kung pano ka pipili di ba? alam naman natin ang mukhang luma at gamit na sa mukhang hinde pa di ba?
Ang salvation army kasi yung mga dinodonate, tapos nabibili, binibigay sa charity, so yung mga bumibili katulad ko, nakakamura na ako nakakatulong pa ako sa charity..
Mostly, tumitingin ako ng mga old camera, vintage camera, syempre, pag me magagandang mga bags, furniture,bric-brac,o toys na maayos pa, natingin din ako..
Every wednesday kasi, half off sila lahat ng tinda nila,.. except nga yung furnitures w/c is 30%off lang ata..
eto ang mga nabili ko kahapon.. and lahat lahat yan ay wala pang $20.00 ,. (kasi 50%off lahat eh ) lahat ng bags nila is $3.99 to $5.99
look..DKNY CITY BAG.. orig is 3.99 got it for 1.99 maayos pa di ba?

pink esprit bag . same din 1.99

roxy bag

american outfitter

roxy wallet 98cents

vase from crate and barel $1.99 lahat lahat


tsaka itong cabinet at painting na nilagay ko sa banyo $3.00 at saka yung painting $1.99

naaaddict akong mamili dito.. mura kasi..
di naman kailangang mahal di ba? pwede mo pang ipadala sa pinas. yung roxy nga hinihingi na ng kapatid ko.. nakapagpadala na nga ako sa kapatid ko ng Juicy Couture na nabili ko din sa salvation army.. gusto ko sana yun kaso maliit, gusto ko kasi malalaking bag.
yung DKNY na bag, ipapadala ko sa nanay ko, tapos yung pink na esprit sa akin.. cute kasi tamang tama lang yung size nya
next wednesday ulit, kwento ko kung ano ang mabibili ko.. kung me maganda ha..
ay eto pala yung vintage camera na nabili ko din kahapon


Twag nga sa akin ng asawa ko “cheap fashionista” dahil mahilig daw kasi ako sa kung sale,. (practical lang siguro ako, sa hirap ng buhay, di ko yata kayang bumili ng mga tig iisang daang dolyar na bag :P)
Popularity: 2% [?]
Viewed 709 times 298 viewers


September 27th, 2007 at 11:27 pm
Dito naman village discount ang tawag kaso malayo samin ito hirap pag nakatira ka sa downtown pang mayaman ang karamihan na bilihin at tindahan. sa marshall at TJ max lang ako naasa. nanuod ka ba ng Tim Gun guide to fashion style? sabi hindi daw maganda bumili ng damit sa thrift store ewan pero ako basta mura bili
September 27th, 2007 at 11:53 pm
uy oo… damit at sapatos ayoko, kasi di ko alam kung baka yung me ari me anghit o kaya me alipunga.. iniisp ko kasi baka mahawa ako eh..di ko kasi alam kung nilalabhan ba nila yung mga damit dun after idonate eh.. kaya ayoko ng damit.. pero mga bag, furnitures, mga decorations, paintings. yan ganyan binibili ko,
sabagay sa mga jcpenny naman tj max, marshall mura ang mga damit tapos brand name pa.. di naman nila alam pag suot mo na eh haha.. ako kasi talagang mura lang binibili ko..
lam mo naman tayong mga mommy.. mas mura mas maganda. at mas mura , maganda at branded.. mas maganda.. lalo na sa mga anak natin 
di naman kailagang mahal,.
September 28th, 2007 at 2:34 am
astig kaya ng mga nabili mo!!! wala pang $30 lahat! grabe!!! nakakamiss mag-shop na super good deal. last shopping ko pa sa bangkok…eh ang mura don. dito naman sa manila..errr super mahal lahat.
tried that ukay2 sa baguio a couple of years ago, enjoyed shopping din. kakapagod. syempre madaming mukhang bulok and eww..but if you know hot to look..madaming super okay na items!
September 28th, 2007 at 10:48 am
basta wag kakalimutan ang box ko for christmas, ok?
rosie, I wish you and the kids plus neil were here,we’re enjoying immensely!!
September 28th, 2007 at 10:55 am
dito naman “savers” hahaha! ako ren hindi namimili ng damit at sapatos kelangan mga gamit lang sa bahay, at saka mga belts and small purses, pero promise ang gaganda ng mga pinamili mo, ate Rose, tama ka bakit ka ba bibili ng mamahalin eh you can always be stylish with cheap stuff basta ba nasa tao yun kung pano nya dalhin at ayusin diba? ako ren, I am proud of being a cheap fashionista, eh bakit ba diba you can always look like a million bucks with a very cheap item lolz sige abangan namin yung latest finds mo next week. take care, ate love yahh
September 29th, 2007 at 1:21 am
Wow naman ate dito samin walang ganyan sa mismong bayan nalang kaya lang super papangit na lumang luma na kasi at saka para hmm ayaw kong bumili kasi mga tindi ay mga damit , shoes, eh ayaw ko naman kasi baka may putok or something ahahahha. I love the roxy and esprit bag hehehe ang cute. Pati yung vintage camera i wish i could have one. Lol. pero wala naman akong makita dito. pati polaroid.
September 29th, 2007 at 3:03 am
HMP ininggit mo na naman ako ever lolahhhhhhhhhhhhh! Buti ka pa nakakahanap ka ng mga ganyan haaayyyy
September 29th, 2007 at 7:24 am
Gusto ko din ng ganun kaso lang ang layo kasi dito nung mayayaman. Kaya hindi na ako nag thrithrift store.. Pangit naman kasi nung malapit dito… Haha!!
By the way, kakabili ko nga lang ng coat ngayon.. $120 ata… napasubo ako.. pero inisip ko nalang na staple clothing sya pati ilang suotan ka yun, let’s say, 10 times, edi parang $12 kada suot. HAHA.. tapos for sure hanggang winter ko gagamitin.. Yun nalang ang pampalubag loob ko. Pati mura na nga yun kasi yung iba diba tipong mga $300.. yikes ha!
September 29th, 2007 at 2:02 pm
ang ganda naman nyan! ako nga bag ko mukha ng busabos
thanks for visiting my blog nga pala
September 30th, 2007 at 7:04 am
ikaw ay tunay na dugong pilipino for being a good buyer. ang gaganda ng mga nabili mo. i like the cabinet with the painting.
October 1st, 2007 at 2:42 am
hello ate rose ?
ang galing mo naman mag shopping ang pinaka gusto ko sis yung vase ? ? at yung vintage camera ? nag hahanap ako sa ebay non stop ng vintage cameras kasi mahilig ako mag picture taking pero ang hirap mag hanap nangibabaw ang mga hi tech digicams… nasa 2nd hand store pala nakaka kita ng ganyan.. thanks for the info..
galing mo naman mamili sis.. dapat lang sa panahon ngayon maging practical tayo! i love you!
October 1st, 2007 at 10:03 am
they got some really cheap stuff!