Di ba nabangga kami nung nakaraang araw, pero hinde naman malaki. nagkadent lang yung sa me bumper, kung lalagyan ng plate number sa unahan, di na kita..
Pina estimate namin, yung connection sa insurance, $500 something, tapos one day car rental. eh di naman namin kailagan ang car rental, dahil me isa pa kaming sasakyan..
so sabi ni neil, sa iba nya na lang ipapagawa.. so yung insurance ng nakabangga, inestimate.. $450 lang, tapos babayaran din yung sa car rental. $30 ata, so ang ginawa ni neil, pinera na lang., haha..!! kaya ayun, lalagyan nya na lang daw ng plate number sa unahan para hinde kita..
ewan ko kung, alam nyo ang craigslist.com
dyan ako minsan naghahanap ng mga used furnitures, at trabaho..dyan din ako nagpost ng trabaho ko eh.. nagka cliyente naman ako dahil dyan..
yung isa nga, dahil kada update ko ng site nya eh binabayaran nya ako, kaya ang sabi nya sa akin, kung pwede ko daw syang turuan sa dreamweaver, at babayaran daw nya ako kada oras ng $15.00.. eh sa isang araw daw mga 3 oras.. ngek.. eh di lugi ako, kasi kada update ko sa site nya binabayaran nya ako ng $100 eh.. hehe..
Pero pumayag na din ako, dahil naiinis din kasi ako sa taong yun ang kulit magpa update, daming demand.! so sabi ko, sige,pero gusto ko sana sa mall or sa mga coffeeshop, kasi sabi nya sa akin nung una, kung pwede daw sa bahay nila
“NO WAY! ano ako, bale! mamaya, baka me tektek pa ang utak nya ano! so sabi ko, sa mall, pwede,,.. me laptop ka naman di ba?! so dun na lang,
Tapos, sinabi ko ke neil, nagalit si neil, sabi nya “di mo pa nga nakikita yon in person eh, sa internet lang ni hinde mo nga kilala yon eh.. ! sabi ko naman, sayang din yung kikitain ko dun..tsaka sa mall naman eh, daming tao dun. aba eh bahala sya pag di sya natuto,
sabi naman ni neil:kahti sa mall, malay mo, lagyan ng pampatulog yung iinumin mo, madaming pwedeng mangyari! mag aral kamo sya sa school! hinde pwede , tapos! bawiin mo yung pag payag mo,
so ano pa nga ba ang magagawa ko,. in the first place tama naman sya, malay ko nga, baka nga me mangyari dahil lang sa pera, wag na! safety pa rin dapat di ba? lam mo naman dito, daming sira ulo! pero totoo nga, hinde ko pa sya nakikita.. hehe..
so, sinabi kong hinde na lang… di na sumagot yung kliyente ko at malamang hinde na din yun mag pa update sa akin.. wahh! sayang yung kikitain ko dun..
tapos kanina, tumawag sa akin si neil sabi nya : oh nabalitaan mo na ba yung nangyari sa isang nanny dahil sa craigslist?
sabi ko:hinde , ano ba yun?
hanapin mo sa internet..
so ayun ,hinanap ko .. eto yung kwento: click click
natakot din ako, buti na lang nakinig ako ke neil, malay mo, di ba,. baka nga lagyan ng ativan yung iinumin ko ano.. ma rape pa ako,, hahaha!!
eh nung isang araw lang, nag apply din ako dyan sa craigslist, ng webdesigner. paano ba naman $1500 to $3000 daw salary kada buwan.. ang laki no? !! kaya na engganyo akong mag apply, pero inemail ko naman yung nag post kung pwede sa bahay gawin.. hanggang ngayon hinde pa nasagot.. wala pang reply! ngii.. baka Psychotic yung naapplyan ko! hirap talaga sa internet ano, mahirap magtiwala..!
yun namang nagbibigay sa akin ng trabaho ngayon eh kilala ko , dahil nameet ko na sa church ng tita ni neil.. tsaka galanteng magbayad, kaya ok na ako sa kanya.. pero syempre manaka naka lang ang trabaho ko dun.. , naghahanap naman ako ng regular na trabaho kahit man lang 5 hrs a day5 times a week. nabuburat na ako dito sa bahay eh.. letseng fafsa, hinde malaman kung approve ba ako o hinde sa school aid.. eh gusto ko ng mag-aral kahit vocational man lang.. nag apply ako ng student aid eh hehe.. nagbabakasakaling baka maswertehan eh
ay oo nga pala, hala.. me award ang site ko.. first award ko to ! yihhheeeee!!
thanks lizethmy fellow kabitenya..
thankyouuu..

ipapasa ko ito ke ate thess,ate thess1ate thess 2 , noreen, dre, kitty,
hehe..
o sino pa gustong magbigay sa akin ng award.. wahehehe… sige na.. ang saya saya!!
Popularity: 4% [?]
Viewed 1493 times 282 viewers


October 30th, 2007 at 8:31 pm
omg kakatakot naman un! naghahanap rin me ng work dun noon! may hong kong rin kasi dun. oh deym ..
happy halloween ateh! miss u!
October 30th, 2007 at 9:59 pm
alam mo ganyan na ganyan magsalita asawa ko, maingat sakin asawa ko, he’s very protective, iniisip lahat ng mga yan. natuto na rin ako, maraming “what ifs” sa isip ko kaya from there takot ako mag tiwala kaagad. shoot nabasa ko yung storya, karumal dumal, inside the trunk of the car shetness naman o… kaya wag ka basta basta mag titiwala, ate Rose! makakahanap ka rin ng work, and yeah tumaas lang konti yung sahod ni Jon at maging stable na kami with a new house baka pwede nako bumalik sa school, ok pa rin kasi work ko and mataas naman yung bayad kumpara sa regular na full time work sa down town, at least yung sa commissary 10 minute drive lang samin. happy halloween rin sainyo dyan! pakita mo naman mga pics na costume ng mga bata ha, kami dito lang sa harapan namin yung navy housing lakarin lang mula sa street namin ok na ok naman./ bukas nako mag update ng pics, maya maya nako mag ba blog tagal ko nawala ilang araw rin haishh.. thank you for the award, mwahh
xoxo God bless
October 31st, 2007 at 3:24 am
hindi ko pa nasubukan mag-apply ng work online. Kung ako sayo rose wag ka na mag-apply bat hindi ikaw ang magbenta ng sarili mo I mean i-showcase mo mga gawa mo online then mag-apply ka sa google adwords or sa bidvertiser para i-advertise ang site mo kesa kung saan saan ka naghahanap. Katakot naman yung sa craiglist na yan ngayon ko lang narinig yan. O sya gudluck sa paghahanap ng work. Bat hindi mo na tinuloy pagsali mo sa paid blogging network? Basta goodluck ng work Happy Halloween
October 31st, 2007 at 3:34 am
ay nga pala rose meron kang award sakin dito o tagal na to eh hindi mo pala nakita ito link…
http://www.scarty.com/friends/award-and-a-gift

October 31st, 2007 at 8:17 am
Rose, ingat ka sa ina-apply-an mo ha
I am also awarding this back to you…cos for me you rock, girl!
and thanks for the award, pinapak na!
November 2nd, 2007 at 10:36 am
girl! let me say, i love your photo! kaganda naman! kabitenya nga.

you deserve it, cos you rock!
and hoy! makinig ka kay neil…sa ganda mong yan…nako! mag-iingat ka :p
*hugs*
December 30th, 2007 at 5:03 am
Harry Potter Imax…
The other is more head-on, flattening her. I know it s just the fighting scene but any 3D to me ju…