07/3/08 2:42 PM | Posted in worth blogging | by: rsm| »

 

Oh.. ang aga ng gising mo ah.. malamang, maghahanda ka ng agahan at baon para sa asawa mong nag tatrabaho (nga ba?) at sa mga anak mong papasok at sa mga kamag anak ng asawa mong nakatira din sa inyo.

Di ka ba babalik sa higaan? ah.. malamang hinde na kasi ang dami mo pang gagawin di ba? magluluto, maglalaba, maglilinis ng bahay, mamamalengke..masyadong okupado ang buhay mo di ba? bakbak na nga ang kamay kalalaba..kawawa ka naman.. pati ang mga kamag anak ng asawa mo pinaglalaba mo.. wala ka ng oras para sa sarili mo.

Alas 10 ng umaga, katatapos mo pa lang sa pamamalengke, magluluto ka na sana,ng nadatnan mo na ang asawa mo.. tapos na daw sya sa pamamasada… pagod na daw sya.., tsk.. wala talagang sikap at tiyaga ano? napakatamad talaga ano? kaya tuloy ni panty mo hinde ka makabili…

Oh, magsasalita ka na naman? wag na.. malamang bubugbugin ka na naman nyan.. mahirap na, baka suntukin ka na naman nya kagaya ng nangyari dati. wag ka ng sumagot.. kawawa yung mga gamit at bagay na ihahagis nya sa yo.. sige ka

Kulang na naman ang pera nyo para sa isang linggong pagkain.. hihingi ka na naman ng tulong sa magulang mo.. mangungutang ka na naman sa kamag anak mong bago ka naman pahiramin ay makakatikim ka ng masasakit na salita.tagos hanggang buto.. kulang na lang lumubog ka sa lupa sa panliliit sa yo.. di ka ba nahihiya? manhid ka na ba talaga???

Nakakaawa namang mga anak mo, isang kahong Nido ang ginagatas, lalagyan mo pa ng 1/4 na asukal, o di kaya giniling na Am na wala namang sustansya. Pinagkakasya mo ang isang kilong galunggong sa isang linggo ,. iprito, ipaksiw, yun at yun na lang.. pero di pa rin matinag ang asawa mo sa hirap ng buhay nyo.. Ang tamad talaga ng tarantado.

Naalala mo ba nung isang beses na binalot nya ang mga gamit mo sa isang kumot , inihagis sa labas at pilit kang pinalalayas? sabay uundayan ka ng suntok.. mabuti na lang me umawat noon.kundi, meron ka na namang black eye!

di ba nakakahiya nong mga oras na yon. ang daming nanonood,na parang pinag pipistahan kayo… parang drama sa TV. pero ewan ko kung bakit nag tiis ka pa rin … binale wala mo ang nararamdaman mong kahihiyan… ni katiting nagtira ka sana para sayo.

Alam ko, nagtitiis ka lang alang alang sa mga anak mo.. pero paano naman ang kaligayahan mo kung habang buhay kang nakatali at malungkot?? kelan mo iisipin ang sarili mo?

Hinde ka ba napapagod sa hirap ng buhay? masaya ka pa ba? martir ka pa ba hanggang ngayon? kelan ka magigising kung kelan lantang gulay ka na dahil gnagawang punching bag ng asawa mo ang katawan mo??

Kahit hinde mo sabihin napapagod ka na sa hirap ng buhay, sa sakit ng kalooban.. nakikita ko sa yong mga mata… wala kang matakbuhan, wala kang mapagsabihan .. dahil alam mong hinde ka nila pakikinggan…

Gumising ka na.. lumaban ka na.. wag kang maging martir habang panahon, dahil iisa lang ang buhay natin…

Wag ka ng mag alala kung umalis ka.. dahil dadating ang oras na maiintindihan din ng mga anak mo kung bakit ka umalis… kung hinde man, hayaan mo na.. basta ang alam mo, nakatakas ka na …hinde ka na mabibilanggo pa sa hirap ng buhay! nakawala ka na… at hinde na babalik pa…. sa impyernong buhay na ipinalasap sayo ng asawa mo…

mali man sa paningin ng marami.. marami ka mang maririnig na pangngutya at pula hayaan mo na sila, dahil buhay mo yan.. hinde nila.. hinde nila alam ang nangyayari sa loob ng bahay mo.sa buhay mo… kaya wala silang karapatang husgahan ka kung ano mang ang naging desisyon mo..

Na sa iyo ang huling halakhak!!

-rose moya

Popularity: 3% [?]

Viewed 329 times 111 viewers





Leave a Comment

:mrgreen: :neutral: :twisted: :shock: :smile: :???: :cool: :evil: :grin: :oops: :razz:
:roll: :wink: :cry: :eek: :lol: :mad: :sad: :arrow: :idea: :!: :question:

XHTML: Line-breaks are automatic. Available tags are <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>


Quality Discount Loud Speakers
See All Computer Speakers

Hi There


This is Me!
»More about me

Recent post

categories

archives

links

Aisha bhebie Chamie dee dianne Dragon Lady Dre eloiski Ems grace hanmae idealpinkrose Ironnie Isley Jais jammy jaypee joyce khayte kitty Laarni ladmadrigal Laine leigh lhyz Lizeth Michelle Michelle (2) neri.grace nicole Nix noreen pahn Pam queenz Rachel Rebecca Rose RoseLLe (Reflexes) Sarah sardonic nell Scarty Shai shari Sharmaine sherica Shern Sheryl Shii Thess Thess foodblog Thess photoblog Thinz Tiff TK Trench Valerie

etc






Meta

»Pearls
»Find out how to make dollars
»Teehee be happy like me. click me!
»FREE WORDPRESS THEME MADE BY ME


Entrecard works for me

Get Paid Money to Blog