08/27/08 5:14 PM | Posted in worth blogging | by: rsm| »

Dumating ba sa point ng buhay mo na kinwestiyon mo ang diyos?

Simula ng natuto akong magdasal,hinde ako humiling sa kanya ng materyal na bagay. ni hinde ko hinihiling sa kanya na bigyan ako ng magandang buhay, ng magarang bahay, ng magandang kotse, ng mamahaling gamit.. dahil alam ko, hinde sya ang magbibigay noon.. Sa pagsisikap mo makukuha yon, o di kayay mag asawa ka ng mayaman o di kayay gumamit ka ng credit card at magkanda baon ka sa utang.. haha.

kidding aside, drama ang post ko !

anyway,yun nga, wala akong dinasal sa diyos sa araw araw na ingatan lagi ang mga mahal ko sa buhay kahit san sila mag punta. wala sanang magkakasakit.. yun lang!

pero simula ng dumating na nagkasakit ang aking ama.. pinagdasal ko sa kanya na sana pagalingin nya.. kahit hinde na man lang bumalik sa dati ang tatay ko, makasama ko lang ng matagal tagal.

Pero hinde nya ako pinakinggan.. tinanong ko sya. sabi ko, ngayon lang ako humiling sayo.. bakit hinde mo ako pinagbigyan? bakit kinuha mo agad ang tatay ko?

sabi ko, bakit kung kelan ako humiling, saka pa ata natulog ang dyos.. baka di sya nakikinig sa akin.. baka di nya ako narinig noong time na yon..
pero natutulog pa ba ang diyos? sa dami ng taong humihingi ng tulong sa kanya.. naipipikit pa kaya nya ang mata nya?

Sabi nga nila me dahilan lahat.. pero ano ang dahilan nya at kinuha nya agad ang tatay ko?

Nagdamdam ako, OO nagdamdam ako sa diyos kung bakit hinde nya ako pinagbigyan..
pero dumating sa point na narealized ko, sa dinami dami ng pagsubok na pinagdaaanan ko, sa araw araw na mga biyayang binibigay nya sa akin… dun ko na isip na, kahit hinde ako humiling pinagbibigyan nya ako..na minsan sobra sobra pa,..

Dun ko na realized na siguro nga me reason ang diyos kung bakit nya kinuha agad ang tatay ko… Siguro nakikita nya kung gano nahihirapan ang tatay ko sa araw araw.. sa pag iisip..
Nag kasakit ang tatay ko dahil sa pag inom,. hinde ko naman sya masisis, dahil yun lang ang naging outlet nya,

Mahabang istorya kung ikukwento ko pa, naghiwalay kasi ang nanay at tatay ko at hanggang sa huli, umaasa pa rin ang tatay kong mag kakasama sila ng nanay ko.. hanggang dyan lang ang kaya kong ishare.
Hanggang sa huli, mahal pa rin ng tatay ko ang nanay ko, kaya naging mabigat para sa tatay ko ang paghihiwalay nila..

Kaya siguro, ninais na lang ng diyos na tapusin na rin ang sakit na nararamdaman ng tatay ko.. sakit sa kalooban.

siguro nga kung pinagaling ng dios ang tatay ko, mahihirapan lang din ulit sya.. wag na lang daw..
Siguro nga, iniisp ko lang ang sarili ko ng humihiling ako na sana pagalingin sya , baka ayaw na din ng papa ko.. kaya di na rin sya lumaban.

Ganon naman tayong mga tao di ba? ang binibilang natin hinde yung binigay sa atin kundi ang HINDE ibingay sa atin.. kung baga, sampung beses kang gumawa ng mabuti, pero isang beses ka lang magkamali at gumawa ng masama, mawawala na lahat ng ginawa mong kabutihan..

kung baga, me nangutang sayo ng 10 beses, at pagkatapos tinangihan mo once, magagalit pa sayo.. samantalang hinde nya naisip na 10 beses mo syang pinahiram.. isang beses mo lang tinanggihan..

Yon ang na realized ko, ang daming magagandang bagay ang dyos na ginawa sa buhay ko, na hinde ko hiniling, kahit pa merong mga trials, atleast nalampasan ko,.pero isang beses nya lang ako di pinagbigyan.. nagtampo na ako.. ang sama ko!

Madami.. madaming madami, akong pagsubok na naranasan sa buhay.. kukulangin ang oras ng maalala mo kaya kung ikukwento ko,. pero eto pa rin ako, ganong talaga di ba?kailagan mong tanggapin kung ano man ang darating na pagsubok sayo.. dahil along the way, me matutunan at matutunan ka sa dumarating na pagsubok, me mare realized ka ..at yun ang baon mo sa darating pang pagsubok.

Alam ko namang maligaya na rin ang papa ko kung nasan man sya ngayon, atleast tapos na ang paghihirap nya at di na rin sya pinahirapan pa ng sakit nya.. siguro yung ang reason kung bakit..kahit masakit pa rin sa akin ang pagkawala ng papa ko, iniisip ko na lang na me dahilan ang lahat..

umiiyak pa rin ako tuwing maalala ko ang tatay ko.. parang me kulang sa dating buo kong puso..

natutulog ba ang diyos


MusicPlaylist


Bakit kaya
Bakit ka ba naghihintay
Na himukin pa, pilitin pa ng tadhana
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
“Natutulog pa ang diyos,” natutulog ba?

Ba’t ikaw ay kaagad sumusuko
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan
Nasaan ang iyong tapang
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog pa
“Natutulog pa ang diyos,” natutulog ba?

Sikapin mo, pilitin mo
Tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog
Sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain
Natutulog ba ang diyos
Ang buhay mo ay mayro’ng halaga sa kanya

Bakit nga ba
Na ikaw ay maghintay
Na himukin at pilitin ka ng tadhana
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala
Sa maykapal
Nakahanda ang diyos
Umalalay sa iyo
Hinihintay ka lang kaibigan

Popularity: 1% [?]

Viewed 712 times 218 viewers


:mrgreen: :neutral: :twisted: :shock: :smile: :???: :cool: :evil: :grin: :oops: :razz:
:roll: :wink: :cry: :eek: :lol: :mad: :sad: :arrow: :idea: :!: :question:

XHTML: Line-breaks are automatic. Available tags are <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>



VistaPrint


  • »Site Statistics
    »Whose online
  • 34,666 spam caught by Akismet.
  • 1,789 spams in moderation.
  • 976 articles, 2,215 comments, and 20 categories.
  • Unique hits. Today: 56, Yesterday: 203.


  • Powered by :Wordpress Flatform
  • Theme by :rose moya of revolutionmotion.com
  • Entries (RSS)
  • Comments (RSS)
  • Powered by Wordpress
  • 36 queries. 1.568 seconds.