Etong pendant na ito ay may significant value para sa asawa ko, (pag aari nya ito) dahil ito ang kauna unahang bagay na ibinigay sa kanya ng kanyang tatay nung nag sa saudi pa ito halos 27 taon na ang nakakalipas. maliit pa lang ang asawa ko, nag sasaudi na ang tatay nya, halos ang tumayong tatay nya ay ang kanyang ina dahil malimit ngang wala ang tatay nya..
noon, di nya mainintidihan kung bakit kailagan pang lumayo ang tatay nya para lang kumita, samantalang pwede naman sa pilipinas lang.. Pero na realized nya nung time na nasa college sya kung bakit ganon na lang ang pagsisikap ng ama nya para sa kanila.. Ang mabigyan sila ng magandang kinabukasan at makapag tapos sa pag aaral.
Di nya naman binigo ang kanyang tatay at nakatapos sya ng kursong Engineering sa Mapua.
Matagal na daw itong ibinigay para sa kanya , pero hinde muna ibinigay sa kanya ng kanyang ina. hanggang hinde sya nakakatapos ng highschool.
ito ang napili ko para sa temang “ginto” sa litratong pinoy” dahil sa ang ginto ang isa sa pinakamahalagang elemento sa mundo.. at itong cross na ito ang isa sa pinakamahalagang gamit para sa asawa ko.. kung ano ang tinetreasure nya, ay ite treasure din namin.. At alam ko, ipapamana nya naman ito sa kanyang anak. sa tamang panahon.

Popularity: 1% [?]
Viewed 1040 times 196 viewers


September 18th, 2008 at 5:46 pm
Ang ganda ng istorya ng lahok mo.. tama ka maipamamana nga yan,, magandang araw sa iyo…
JoyD’s last blog post..Litratong Pinoy ( Ginintuan /Gold)
September 19th, 2008 at 8:48 pm
heirloom material na pala yan….ganda.
fortuitous faery’s last blog post..fall-ing for snoopy
September 21st, 2008 at 10:31 am
ang ganda ng macro shot mo ‘te
Jay’s last blog post..La.Pi.S.# 14: Colorful & La.Pi.S.# 15: Fried (Golden)