PostHeaderIcon Liena is Sick and Jealous

Me sakit si liena…

kahapon dinala ko sya sa doctor, nagkandaligaw ligaw pa ako,. natakot tuloy ako dahil first time ko lang mag isa dun.ang layo ng narating ko.. nagpaikot ikot ako,nagkamali mali ng exit,. nung nag decide akong bumalik ulit.. nakita ko naman yung building,. kailagan ko raw talagang makita dahil kailagan talagang maipadoctor si liena.. hehe!

Me ear infection si liena.. kaya absent sya ng 2 araw,. sayang nga dahil kahapon picture day nila,. pero sabi naman ng teacher nya, pwede daw ihabol..

kinabahan talaga ako kahapon nung naligaw ako, pakiramdam ko eh, di na ako makakabalik eh.. nggiii.. pero okay din atleast,narating ko yung mga lugar na di ko pa nararating, so next time alam ko na kung saan yun..!

nakabili ako ng tsinelas.. at saka sapatos sa halagang $4.99 ang isa..

ang mga regular price eh $36-40.00 tapos nakasale ng $4.99, eto..

at saka ito..

hinde naman kapangitan di ba? aba!eh kung regular price yan. manigas sya sa display , hinde ko sya bibilhin haha..!! :P nagkataong nakasale eh.. malimit kasi akong maghanap ng mga damit, sapatos dun sa clearance rack.syempre, kailangan mong mag halukay,.. parang sa ukay ukay.. pero sulit naman kung haloas 90%off ano.!

sabi ko nga ke neil, pag summer ang dapat nating bilhin yung pangwinter, dahil yun ang isesale nila,. pag winter yung pang summer ang dapat nating biilhin dahil yun din ang isesale nila hehe.. di ba?! ngayon, ayun ang mamahal ng mga jacket ditong pang winter,. sa guam eh ang mura nun, palibahasa di naman nag wiwinter dun, hot all year round dun eh.!

bigay nga pala ito ni thess.. si thess, ang isa sa kaibigan ko dito sa net.. me similarity kami sa buhay…salamat Thess, sana maging okay na tayong lahat ano?! hay buhay!!

Lumalaki na si Liena.. nagkakaisip na sya.. nung isang araw na nakain kami ng hapunan,. napag usapan namin sina july, kilala nya si july bilang si July, hinde bilang kapatid, kasi hinde ko pa na i oopen sa kanya ang mga ganong bagay. dahil hinde nya pa naman maiintindihan.

tinanong nya ako, kung nasan na si july.. sabi ko nasa pilipinas. so parang ewan ko kung bakit ko nasabi.. July is your brother.. tawa lang si liena, siguro akala nya nagloloko lang ako.. . sabi ko pa,. july is my son.. and angelew is my daughter, they are my children…

bigla ko na lang nakita si liena,. yumuko, tapos umiyak..! sabi ko?why?! di sya sumasagot, basta iyak lang sya ng iyak,. sabi tuloy ni neil, nakakaintindi na ata si liena .. nagseselos siguro..

nag meet na sila noon, pero hinde ko nabanggit ke liena na kapatid nya sila.. athough me time na nababanggit ko, siguro masyado pa syang bata noon para maintindihan..

naisip ko tuloy, paano ko ipapaliwanag ke liena, ke kirstan na me kapatid pa sila? sa ngayon, hinde ko pa naiisip dahil maliliit pa sila, pero alam ko dadating ang time na kailagan kong sabihin.. ! hinde naman sa natatakot ako, pero naiisip ko lang ang maaring maging epekto nito sa mga bata… sa relationship namin bilang mag iina..

hinde ko alam kung kelang ang tamang panahon..

tumigil si liena sa pag iyak dahil sinabi ni neil na nag loloko lang ako..

ang hirap ng kalagayan ko ano?!

—————————————————————————————

nga pala,. Valerie, michelle ng vodkatini.. bakit di nyo na nireply ang aking emails?? huwaa!

Viewed 375 times by 168 viewers

26 Responses to “Liena is Sick and Jealous”

  • mitch says:

    hai nko.. its very difficult pag may sakit mga chikiting.. i have 2 nephews.. nkkaawa pag may sakit.. lagi pa nmn sabay magkasakit..:sad: get well liena!

    i liked the white one.. not bad.. frm $36 to $4.99.. gud deal.. ako din e.. i usually take advantage of sales.. most of the time i go for pants & shoes & bags.. haha.. karamihan nkukuha ko pants 50% off.. :lol:

  • scart says:

    hello mommy rose gising pa ako. naabutan kitang nagcomment sa blog ko eh gising pa kasi ako dahil inaayos ko yung links section ko. kaya ito magcocoment na agad ako sayo bago matulog :wink:

    buti naman hindi ka tuluyang nawala sa lugar na yun kunsabagay kung saka sakali eh meron ka namang mapagtanungan. pwera nalang kung hindi matao nakow kakatakot. Sana maging ok na yung tenga ni liena.

    gusto ko yung sandal na nabili mo mommy rose maganda sya :cool:

    take care mommy rose….

  • Shari says:

    Ahh, sana’y okay na si Liena. Okay lang maligaw basta makarating sa paroroonan. Hindi ako mahilig sa mga sapatos eh, lol. Hindi ako marunong tumingin ng “maganda.” Boo.

    Anyways, naku, mahirap na nga iyan. Right, nagkakaroon na ng sense ang pagiisip nina Liena at Kirstan, pero paano nga po ba malalaman kung kailan ang tamang panahon upang sabihin sa kanila ang katotohanan? *sighs*

  • Shari says:

    By the way, thumbs up sa layout. Iniisip ko nga pong baguhin CSS codes ko para gawing pink (pucha pink na naman grrrrr) ang layout ko. Breast cancer awareness month. Hay. ^_^

  • rina says:

    awww sana ok lang siya. :P hehehe. ate dumaan lang ako. missu! mwah!:)

  • Jays ? says:

    hi ate rose ♥

    sobrang mura naman ng sandals!! 90% off?! grabe ah.. super mura :mrgreen: shop wise noh? ako din pang summer binibili ko.. ang mahal ng pang winter, lalo na mga coats..

    hirap nga kalagayan mo, pero hndi pa time sabihin kila Liena ang totoo… cguro pag laki na nila.. ate rose hndi mo naman kelangan magmadali.. maiintindihan ka rin nila :smile:

    ang cute ng layout mo, as usual :razz: type ko sya, nagaaral pa ako ng photoshop eh.. paunti unti.. :arrow:

    love, jays

  • mei says:

    hello mami rose! ay, ako rin walang sense of direction minsan, madaling mawala kaya ayoko matuto mag-drive! hehe.

    ang hirap naman ng situation mo with the kids… i guess you just have to really talk them into accepting na may kapatid pa sila. make it sound like so much fun! masarap may ate! masarap may kuya! they’ll take care of you and be friends with you! i know in time maiintindihan niya rin.

    take care! :)

  • ems says:

    uyyy bagong layout na naman! ANG GANDA! bakit ganun super creative ka? kelan kaya ako magiging ganito ka creative? :(

    teka, ilan ang anak mo na naiwan mo sa Pinas? bakit d mo sinama with you?

  • Rachel says:

    wow ate rose ang cuite ng layout mo. galing mo talaga astig. oi ganda naman ng nabili mo na shoes, iba ka talaga kahit mommy na super dalaga. ok na ba si liena? hmm explain nio na lang ni neil ng maayos kay liena tiyak ko maiintindihan nia din yon. Godbless po.

  • kitty says:

    hello, mommy rose! thanks for answering my call kanina ha.. ang saya saya mo kausap, para kang bata talaga! he hee..

    yung kay Liena naman, ok lang yan, bata pa sya eh pero sabi nila habang maliit mas maganda na sabihin para masanay, hindi yung sa paglaki nila eh saka mo ioopen. pero I am sure it will be alright. kasi sa totoo lang mga unang anak mo sila july and angelew kaya paglaki nila liena maiintindihan naman nila yun. it’s hard since I am not in your situation.

    how’s Liena btw? sorry nga pala at tinawagan kita ng 12 ng umaga kakahiya naman. he hee:grin: take care!!

  • kitty says:

    love your layout, ate Rose!!!!!!!!!!!!!!!!! as usual ahhahaha! parang cotton candy *yum*

  • Chuckey says:

    Mommy rose! Musta ka nah? Oi kawawa naman si liena. Naku sana gumaling na sya. Ingatz kau lagi! Muah!

  • myepinoy says:

    Sana okay na anak mo.

    Siguro sa pagdating ng tamang panahon, maiintindihan din ng anak mo ang situation. Matalino at open minded naman ang mga kids ngayon.

  • Grace says:

    grabe, ano pa ba ang masasabi ko ate rose dito sa layout mo? grabe as in, anyway, bata pa nga si liena sa ganyan bagay, hindi nya pa maiintindihan siguro kapag sa tamang age na sya, yung iba nga diba? kapag nalaman nilang may kapatid sila, ang saya nila eh si liena kasi bata pa, iba pa yung asa isip nya, waaa.. para akong nanay no? :!:

    alam mo bakit dyan sa america kapag nag sale parang pinapamigay nalang nila? dito kapag nag sale parang mahal pa din eh pero nabawasan naman, maganda nga yung nabili mong tsinelas, alam ko wedge ang tawag sa nauuna eh, wow.. si ate rose nag wewedge, hehe..

    ohh sige ate rose, ingat kayo dyan, sana gumaling na si liena .. mwuahh, love yah

  • Dre says:

    naku, malamang nakakaintindi na nga si liena. of course, mahihirapan silang i-accept un, but i’m sure, as they grow up and mature, they’ll understand.

  • ethel says:

    wow! ang mura ng sandal na yan, sulit pa!
    aww..ang ganda ng rosas na yan love ka talga ni Thess at pug nya hehehe..

    Naku sis maiintindihan ka rin ni Liena, bata pa kase sya ngayon kaya medyo nag seselos pa.

    O cge sis baboosh ma late na ako hehhe may pasok pa eh. Thanks a lot ha! kaw kase walang hinto sa kaka tenkyo kaya nahawaan na rin ako sayo hehehe tenkyo talaga mwaahhh
    CIAO

  • ethel says:

    pahabol kahit late, ang ganda ng site, i love the color!

  • scart says:

    hello mommy rose buti nalang bumisita ako ulet hindi ko nabasa yung baba ng roses pic kala ko last na yun. sorry po mommy rose :oops:

    lamo mommy rose sana nong 3 yrs old si leina sinabi mo na sa kanya na meron pa silang kapatid or de kaya nong unang kita nila pero ewan ko lang ha kasi nong nabasa ko yung entry mo para may instinct na ganun ang gagawin ko na pagdating ng 3 yrs old sasabihin ko sa kanya na kapatid nya yung mga pinakilala ko. at dapat itatawag nya ate or kuya kasi nakakatandang kapatid ko sila. kasi may nabasa ako sa book na totoo daw na kahit nasa tyan ang bata eh nakakaintindi na ng mother intinct. Pero kahit hindi ko nabasa ang libro na yun ganun pa din ang gagawin ko sasabihin ko na meron silang halfsibling at age of 3.

    para habang lumalaki sila alam nilang meron pa silang mga kapatid nakatatak na sa isip nila yun. at syempre dapat lagi din ikukukwento mo ang tungkol sa mga kapatid nila at sana ngayon nakakausap na ni leina lagi yun bilang tunay o “buong kapatid.

    nakow parang ang gulo ata ng mga pinagsasabi ko… pero dont worry dahan dahanin mo lang ikwento sa kanya ang tungkol sa iba pa nyang mga kapatid. dahan dahanin mong ikwento sa kanila kung paano sila naging magkapatid basta kung ano ang itatanong ni liena isagot mo yung totoo. ilang taon na nga pala liena? 5 yrs old? or 6?

    cge mommy rose ingat nalang… :mrgreen:

  • TK says:

    Naku nahuli ako. Lam mo Te, habang bata pa sila let them know na. Mas madali sa mga bata ang makaintindi. Bigyan mo nlang ng bright side para sa situation. sabihin mo pag anjan na ung mga older brother and sis nya, marami ng bibili ng toys sa kanila. Big happy family na kayo at may kakampi at mag tatanggol na sa kanila pag me nag aaway sa kanila.

    Mahirap pero kailangan dba? time will come, maiintindihan din nila. Mas magandang i build up nyo na ung good relationship nila ngayon, para in case makuha mona sila, konti nlang ung adjustment…

    muahhhhh! kaya moyan! kaw pa!

  • Noreen says:

    aba at nag-shopping ang lolah mo!

    musta na ngayon si liena? ok na ba sya sis?

    bago na naman layout mo susme ang galing mo talaga! bilib na talaga ako sayo hahahahahaha

    gusto ko ito, fenk na fenk!

  • Marj says:

    Ayos naman ang mga bago mong ‘tsinelas’ eh. I find it classy pa nga eh. haha! Yung second one. I never tried wearing any of those, ewan ko feeling ko kasi hindi bagay sakin eh. Kaya forever sneakers ako. (though I’m already nineteen take note. hahaha! :razz: )

    Tama tama. dapat summer pa lang, bumibili na kayo ng mga clothes for winter. Para hindi na masyadong gumastos pag December na. :???:

  • queenz says:

    i love your new pair of shoes – i wish i could wear high-heeled shoes but i think i got worst ever since i started working as a nurse – my feet just got used to flats..

    i think kids have their own way of thinking – they may or may not understand it, and depends on how they interpret it…. but Im sure Liena will understand it in the end, after all they’re growing up in a more modern world unlike nong unang panahon.. but its really hard trying to figure out when is the right time to tell them… i’d have to go through the same situation when i have my own kids…. :sad:

  • Romina O. says:

    Wowww… Ang cute ng sandals!!:mrgreen: Ganyan ganyang mga sandals ang gusto ng mommy ko e..!! hehehe.

    & to liena pohh,,
    GET WELL SOON.. Mahirap mgksakit e, ngayon nga lng e, ako meron din,

  • isley says:

    hi te! kawawa naman si liena… bat ganun, simula nung bata ako ayaw ko ng picture day!!! haha! gustong gusto ko pa magabsent lagi pag picture day.. haha, hanggang ngaun pla ganun parin ako…! :-D

  • Melai says:

    Nice to here again, medyo busy lang, nice layout.

    Hay naku, there no perfect timing to break a sad news (though d naman siya sad talga). It will mend in time, pag mas malawak na ang isip niya mas maiintindihan niya. Wish you well, ingat…:smile:

  • michelle says:

    ATE ROSE! sorry di ko narereply yung emails mo ah! di ko pa kasi nabubuksan yung gmail ko! pero i’ll check it ngayon! thanks ah! lab na lab mo talaga ako!! hehe!! special mention pa ako!! nyehehe! wag ka magalala. mahal din kita! hehe!

    anyway..si liena. kawawa naman. may ear infection. sister ko may ear infection din eh at nung minsan nga natumba pa sa sahig kasi nawalan siya ng balance..nagpanic ng husto mom ko oh. hehe. tapos di pa maalala nung sis ko kung ano nangyari. kala tuloy namin may malala nang sakit! yun pala ear infection lang..whew!

    malaki na nga si liena..siguro oras na para sabihin nio sa kanya [wag muna kay kirstan] na may iba pa silang kapatid. i think natural lang na magselos si liena kasi ako rin, mga kasing age ko si liena nung manganak mom ko sa baby sis ko eh..selos talaga ako nun..pero maiintindihan din ni liena yun habang lumalaki siya. :)

Leave a Reply

Search
About The Author
Categories

Archives
Miscellaneous



    SponsoredTweets referral badge

  • 17,679 spam caught by Akismet.
  • 314 spams in moderation.
  • 0 comments in moderation.
  • 1,491 articles, 3,565 comments, and 25 categories.


Meta